Home
About Us
Services
Products
Bookstores
Vocations
Collaborators
Pauline Family
Link


Download WINAMP

 

Hulyo 31, 2010 – Sabado sa Ikalabing-pito na Linggo sa Karaniwang Panahon

Jer 26:11-1,2 * Salmo 69 * Mt 14:1-12

 

Mt 14:1-12

Umabot kay Haring Herodes ang katanyagan ni Jesus. At sinabi niya sa kanyang mga kasambahay: "Si Juan Bautista siya. Nabuhay si Juan mula sa mga patay kaya nagkakabisa sa kanya ang makalangit na kapangyarihan." Si Herodes nga ang nagpahuli kay Juan, at nag-utos na ikadena ito at ikulong dahil kay Herodias na asawa ng kanyang kapatid. Sapagkat sinabi ni Juan kay Herodes: "Hindi mo siya puwedeng maging asawa." Talaga ngang gusto ni Herodes na patayin siya pero takot siya sa mga tao na kumikilala kay Juan bilang propeta. Kaarawan ni Herodes at nagsayaw ang anak na babae ni Herodias, at nasiyahan si Herodes sa kanya. Kaya sinumpaan niya ang isang pangako na ibibigay sa kanya ang anumang hingin niya. At sinabi ng babae ayon sa turo ng kanyang ina: "Ibigay mo rito sa akin ang ulo ni Juan Bautista sa isang bandeha." Nasaktan ang hari ngunit napanumpaan na niya ang pangako sa harap ng mga bisita kaya iniutos niya na ibigay iyon sa kanya. At pinapugutan niya ng ulo si Juan sa kulungan; inilagay sa isang plato ang kanyang ulo at ibinigay sa babae, at dinala ito ng babae sa kanyang ina. At pagkatapos ay dumating naman ang mga alagad ni Juan at kinuha ang kanyang katawan at inilibing. At pagkatapos ay ibinalita nila ito kay Jesus.


PAGNINILAY

Naranasan mo na bang mapasubo sa pangakong iyong binitiwan? Naranasan mo na bang malagay sa sitwasyong wala ka nang malulusutan? Naranasan mo na bang mapahamak ang isang tao dahil sa mga desisyong na hindi mo napag-isipang mabuti? Ganito ang nangyari kay Herodes noong siya'y magbitiw ng pangako sa babaeng naghandog sa kanya ng isang sayaw. Bagamat makapangyarihan si Herodes, madali siyang magpadala sa kahilingan ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ikinulong niya si Juan Bautista bilang tugon sa hiling ng babaeng kanyang kinakasama. At sa ebanghelyong ating narinig, napilitan siyang ipapugot ang ulo ni Juan gawa na rin ng kahilingan ng babaeng anak ng kinakasama niya. Batid man niyang mali ito, pinili na rin niyang ipatupad ito para lamang huwag siyang mapahiya. Mga kapatid, Kay dali nga namang magpadala sa ating damdamin! Kay bilis nating magdesisyon tungkol sa mga bagay na nagpapasaya sa ating puso! Pero sa bandang huli, malalaman natin na madalas , pahamak lamang ang idudulot ng mga desisyong hindi pinag-isipan ng mabuti. Higit pa itong nagiging masama kapag ang ibang tao'y nadadamay sa ating pagiging mapusok. Tunay ngang nasa huli lagi ang pagsisisi.

 Bagong Umaga