EBANGHELYO: LUKAS 1:26-38
Nang Ikaanim ng buwan ang Anghel na si Gabriel ay inutusan ng Diyos sa isang lungsod ng Galilean a tinatawag na Nazareth. Sa isang Berhing naidulog na sa isang lalaki sa lahi ni David na ang pangalan ay Jose at ang pangalan ng Berhin ay si Maria. Pagpasok niya sa kinaroroonan nang babae ay sinabi niya “Aba puspos ka nang biyaya ang Panginoon ay sumasaiyo”. Sa mga pangungusap na ito si Maria ay nagitla at Pinagdili-dili ang kahulugan ng gayong bati. Datapwat sinabi sa kanya ng Anghel “ Wag kang matakot Maria sapagkat nagging kalugod-lugod ka sa mata nang Diyos, maglilihi ka at manganganak ng isang lalaki na tatawaging anak ng kataas-taasan. Ibibigay sa kanya nang Panginoong Diyos ang luklukan ni David na kanyang Ama.” At maghahari siya sa Sambahayan ni Jacob magpakailanman at walang katapusan ang kanyang kaharian. Winika ni Maria sa Anghel paanong mangyayari ito gayong wala akong nakikilalang lalaki. Bababa sayo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan. Kaya ang ipanganganak ay magiging Banal at tatawaging anak nang Diyos. At tandaan mo ang kamag –anak mong si Isabel ay naglihi rin nang isang lalaki sa kanyang katandaan. At yaong tinawag na baog ay nasa ikaanim na buwan niya. Sapagkat sa Diyos ay walang bagay na di mangyayari. “Narito ang ligkod ng Panginoon maganap nawa sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya nang Anghel.
PAGNINILAY:
Ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo, isinulat ni Sr. Edith Ledda ng Daughters of St. Paul. Walang imposible sa Diyos! Walang ninais ang Diyos na hindi natupad. Walang natatago sa mga mata ng Diyos. Walang hindi mangyayari kung kaloob ng Diyos! Ang paglilihi ng Mahal na Birheng Maria sa simula pa ay nasa dakilang plano na ng Diyos. Ang mapagpakumbabang tugon ng ating Mahal na Ina sa pagbati ng anghel, na magiging ina siya ni Hesus, ay pagiging bukas sa dakilang plano ng Diyos. Ang sinapupunan ng Mahal na Ina ang naging pinto ng ating kaligtasan. Ang kanyang sinapupunan ang unang tabernakulo ng katawan at dugo ni Hesukristong ating Tagapagligtas. Ngayon, nananatili si Hesus sa atin sa bawat tabernakulo ng ating mga simbahan, katedral at silid dalanginan. Kung saan naroon ang Mahal sa Ina, naroon din ang ating panginoong Hesuskristo.
PANALANGIN:
O Mahal naming Ina, matularan ka nawa namin sayong kababaang-loob at pagtalima sa plano ng Diyos Ama. Gabayan mo po kami araw-araw sa buhay kabanalan at ilapit sayong Anak na si Hesus, Amen.