Daughters of Saint Paul

Mabuting Balita l Enero 22, 2025 – Miyerkules ng Ika-2 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) | Paggunita kay San Vicente, diyakono at martir

Ebanghelyo:  MARCOS 3,1-6

Pumasok si Hesus sa sinagoga, at naroon ang isang lalaki na hindi maigalaw ang kamay, at may gusto ring isumbong si Hesus. Kaya nagmasid sila at baka pagalingin siya ni Hesus sa Araw ng Pahinga. At sinabi naman niya sa taong hindi maigalaw ang kamay: “Tumindig ka sa gitna.” “Ano ang ipinahihintulot sa Araw ng Pahinga, gumawa ng mabuti o gumawa ng masama, magligtas ng buhay o pumatay?” At hindi sila umimik. Kaya tiningnan niya silang lahat, na nagagalit at nalulungkot dahil sa katigasan ng kanilang puso, at sinabi sa lalaki: “lunat mo ang iyong kamay.” Iniunat nga ng tao ang kamay at gumaling ito. Pagkalabas ng mga Pariseo, nakipagtipon sila sa mga kakampi ni Herodes para masiraan nila siya.

Pagninilay:

Sa Mabuting Balita ngayon, sinubok si Hesus ng mga Pariseo kung papagalingin Niya sa araw ng Sabat ang isang lalaking paralisado ang kamay. Sinenyasan ni Jesus ang lalaki na pumunta sa gitna ng kapulungan. Tinanong sila ni Jesus kung ano ang ipinapahintulot sa araw ng Sabat: ang gumawa ng mabuti o ang gumawa ng masama, ang magligtas ng buhay o pumatay. Natahimik ang mga Pariseo. Kaya’t sinabi ni Jesus sa Para kay Hesus laging makatwiran ang paggawa ng mabuti. Walang mapagmahal na gawa ang maaaring maging kasalanan kahit na maaari itong lumabag sa batas. May mabuting intensiyon ang batas tungkol sa pagpapagaling sa Sabbat at bahagi ito ng pagdiriwang ng araw ng Panginoon. 

Pero hinahamon tayo ni Jesus ngayon … to go beyond the Law, upang makita, nang may maunawain lalaki na iunat ang kanyang kamay at ito ay gumaling. 

at mahabaging puso, ang mga kapatid nating nangangailangan ng tulong. Ang Kristiyanismo ay hindi lang tungkol sa pagsunod sa batas kundi sa mapagmahal na pagmamalasakit at pakikipagkapwa.  

Sabi nga ni San Pablo: “Kung nasa akin man ang lahat ng kaalaman at lahat ng pananampalataya, anupa’t nakakapagpalipat ako ng mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan.”