Daughters of Saint Paul

AGOSTO 6, 2021 – BIYERNES SA IKA–18 LINGGO NG TAON | Kapistahan ng Pagliliwanag sa Bagong Anyo ng Panginoon (Transfiguration)

EBANGHELYO: Mk 9:2-10

Isinama ni Jesus si Pedro, Jaime at si Juan, at umakyat na sila lamang ang kasama sa isang mataas na bundok. At nagbago ang anyo ni Hesus sa harap nila at kuminang ng puting puti ang kanyang damit, na walang makapaglalabang sing puti nyon sa lupa. At napakita sa kanila si Elias at Moises na  nakipag-usap kay Jesus. Kaya nagsalita si Pedro at kanyang sinabi. Panginoon mabuti at naririto tayo. Gagawa kami ng tatlong kubol isa para sayo, isa naman para kay Moises, at isa para kay Elias. Nasindak sila kaya hindi niya malaman kung ano ang sasabihin. At may ulap na lumililim sa kanila. At narinig mula sa ulap ang salitang ito. “Ito ang aking anak ang minamahal, pakinggan nyo siya.” At biglang bigla pag tingala, wala silang nakita maliban kay Hesus kasama nila, at pagbaba nila mula sa bundok inutusan nila sila wag sabihin kanino man ang nakita nila hanggang makabangon ang anak ng tao mula sa mga patay. Iningatan nila ang mga bagay na to sa kanilang sarili. Pero nagtanungan sila kung ano ang pagbangon mula sa mga patay.

PAGNINILAY

Isinulat ni Fr. Brian Tayag ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  Ang pagbabagong-anyo ni Hesus sa bundok na nasaksihan nina Pedro, Juan at Santiago ay isang perfect moment. Na kung saan, ang tunay na kaluwalhatian ni Hesus ay inihayag ng Diyos Ama at nasilayan naman ito ng mga piling alagad. Inihayag ng Diyos na si Hesus ang kanyang bugtong na anak, nang Kanyang sabihin: “Ito ang pinakamamahal kong Anak. Pakinggan ninyo Siya.” Makinig tayo kay Hesus, dahil “Buhay na walang hanggan ang ibibigay Niya sa atin.” Papaanong makagagawa ng perfect moment? Matuto tayong makinig. Nakakalungkot isipin na sa panahon natin ngayon, hindi na tayo marunong makinig. Lahat gustong mapakinggan! Lahat gustong magsalita!  Ang mga magulang busy sa pagtatrabaho, walang panahon, para pakinggan ang mga anak. Lahat distracted sa mga gadgets. Kaya naman kapag may iniutos dahil sa hindi nakikinig, mali ang nadadalang gamit.  Mga kapatid, marunong makinig si Hesus sa kanyang Ama. Sa lahat ng pagkakataong siya’y nagdarasal, pinakikinggan niya ang kanyang Ama. Kaya naman nasambit niya, my food is the will of my heavenly Father and not my will but yours be done. Kaya ang kanyang pagbabagong anyo ay nangyari sa pagkakataong siya ay magdarasal. Sa Pagdarasal natin, huwag lang puro tayo ang nagsasalita, matutong makinig sa Diyos upang mabago tayo, mabago ang ating buhay.