Daughters of Saint Paul

SETYEMBRE 3, 2021 – BIYERNES SA IKA -22 LINGGO NG TAON

EBANGHELYO: Lk 5:33-39

Sinabi ng mga Pariseo at mga guro ng Batas kay Jesus: “Madalas mag-ayuno at may mga panalangin ang mga alagad ni Juan, at gayon din naman ang mga alagad ng mga Pariseo; kumakain naman at umiinom ang mga iyo.” Kaya sinabi ni Jesus sa kanila: “Hindi ninyo mapag-aayuno ang mga abay sa kasalan habang kasama pa nila ang nobyo, di ba? Ngunit darating ang panahon na aagawin sa kanila ang nobyo at sa araw na iyon sila mag-aayuno.” Sinabi pa ni Jesus sa kanila ang isang talinhaga: “Walang pumuputol ng panagpi mula sa bagong damit at itinatagpi sa lumang damit. Kung hindi’y napupunit na ang bago at hindi pa magiging bagay sa lumang damit ang tagping mula sa bago. At wala ring naglalagay ng bagong alak sa mga lumang sisidlan. Kung hindi’y sisirain ng bagong alak ang mga lumang sisidlan kaya matatapon ang alak at masisira pati mga sisidlan. Sa halip ay sa mga bagong sisidlan dapat ilagay ang bagong alak. Hindi naman humihingi ng bagong alak ang umiinom ng luma, sinasabi nga niya: ‘Ang luma ang siyang mabuti.’”

PAGNINILAY

Isinulat ni Sr. Gemma Gamab ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  Sa panahon ngayon, puspos ng takot, kawalan ng pag-asa at katiyakan ang buhay natin, dahil hindi natin nalalaman ang mangyayari sa mga araw o taon na darating  dulot ng pandemyang Covid 19. Kaya kung tatanungin ka kung ano ang uunahin mong gawin sa panahong ito? Fasting or Feasting? Pag aayuno o pagdiriwang? Ano ang pipiliin mo?  Para sa akin wala akong pipiliin sa dalawa. Sa halip, sisikapin kong isabuhay ang fasting at feasting sa mapaghamong panahon at krisis na ito, nang may pasasalamat, bukas na kalooban at pananampalataya sa Diyos. From the book of Ecclesiastes it says” There is an appointed time for everything, and a time appointed for every affair in the heavens.” Mga kapatid, narinig natin sa ebanghelyo ngayon na nagtanong ang mga Pariseo at mga Escriba tungkol sa di pag-aayuno ng mga alagad ni Hesus.  Fasting is one of the three most important religious duties during our Lenten observance, along with prayer and almsgiving. Dito, gustong ipahiwatig ni Hesus na may panahon para sa pag-aayuno at panahon para sa pagdiriwang. (Pero kahit nasa anong panahon tayo, lagi nating isipin na ito’y biyaya at pagpapala ng Diyos; na maaring gamitin sa kabutihan at maging daan para lumago sa kabanalan at wagas na paglilingkod sa Diyos at sa kapwa. Hilingin natin sa Panginoon ang biyayang makita Siya, at madama ang Kanyang buhay na presensya sa lahat ng panahon at pagkakataon sa ating buhay.  Amen.)

(Ang panahon ng pagdiriwang o Feasting ay masasalamin sa pakikipag-ugnayan natin sa Diyos nang may galak at pagmamahal; sa kasiyahang dulot ng mga magagandang bagay sa ating pakikipagkapwa tao at sa mga likha niya na nakakamangha at nagbibigay kapayapaan at saya sa ating puso at kalooban. At sa panahon naman ng pag-aayuno, inaanyayahan tayong ipahayag ang ating taos pusong pagbabalik loob at pagsisisi sa ating mga kasalanan, tanggapin ang mga pagsubok sa buhay nang may pagpapakumbaba, at hanapin ang presensiya ng Diyos sa ating buhay lalo’t’ higit ang kanyang pagmamahal.