Daughters of Saint Paul

DISYEMBRE 8, 2021 – MIYERKULES SA IKALAWANG LINGGO NG ADBIYENTO | Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria – Pangunahing Patrona ng Pilipinas

Purihin ang Diyos sa pagdiriwang natin ngayon ng Dakilang Kapistahan ng kalinis-linisang paglilihi sa Birheng Maria, pangunahing patrona ng Pilipinas.  Ito po si Sr. Lina Salazar ng Daughters of St. Paul! Pakinggan na natin ang unang misteryo ng tuwa sa ating Rosaryo – ang pamamalita ng anghel kay Maria, sa Mabuting Balita mula kay San Lukas kabanata isa talata dalawampu’t anim hanggang tatlumpu’t walo.

EBANGHELYO: Lk 1:26-38

Ng ikaanim na buwan, ang Angel na si Gabriel ay inutusan ng Diyos sa isang lungsod ng Galilea 

na tinatawag na Nazaret. Sa isang Birhen naidulog na sa isang lalaking sa lahi ni David na ang pangalan ay Jose, at ang pangalan ng Birhen ay Maria. Pagpasok niya sa kinaroronan ng babae ay isanabi niya! “Abba puspos ka ng biyaya ang Panginoon ay sumasainyo.” Sa mga pangungusap na ito, si Maria ay nabigla at pinagdilidili ang kahulugan ng ganon bahagi. Datapwat sinabi sa kanya ng Angel: “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat nagging kalugodlugod ka sa mata ng Diyos. Tingnan mo maglilihi ka at manganganak ng isang lalaki na tatawagin mong Jesus. Siya ay magiging dakila at tatawagin Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang luklukan ni David ng kanyang ama. At maghahari siya sa sambahayan ni Jacob magpakailaman; at walang katapusan ang ang kanyang kaharian.” Winika ni Maria sa Angel “Paanong mangyayari ito gayong wala akong nakilalang lalaki?” “Bababa sa iyo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan kaya ang ipanganak ay magiging banal at tatawaging Anak ng Diyos. At tandaan mo ang kamag-anak mong si Esabel ay naglilihi ng isang lalaki sa kanyang katandaan, at yaong tinatawag na baog ay nasa ikaanim na buwan na, sapagkat sa Diyos ay walang bagay na di mangyayari.” “Narito ang lingkod ng Panginoon, maganap nawa sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng Anghel

PAGNINILAY

Mula sa panulat ni Bro. Samy Torrefranca ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  Ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang ng Paglilihi ng Mahal na Ina ay isang pagpupugay sa kabutihan ng Diyos para sa ating lahat. Ang pagpili Niya sa Mahal na Ina bilang “bagong Eba” na siyang magiging instrumento ng kaligtasan. Binago ni Maria ang mga naging unang reaksyon ni Eba sa hardin ng paraiso. Ito ang maging mapagpakumbaba. Ang mahal na ina ay simbolo ng tapat na pakikinig. Kaya siya ay napupuno ng grasya. Ang mapagpakumbabang-tapat na pakikinig ni Maria sa mensahe ng anghel ay nagdala sa atin ng bagong pag-asa at bagong mukha ng kaligtasan – si Hesus.  Sa mga dakilang halimbawa na ipinakita ng Mahal na Inang Maria, inaanyayahan niya tayo na lisanin ang bagay na pumupuno sa ating puso. Iwaksi ang mga kagustuhang nakakabulag upang makita at madama natin ang imbitasyong akapin din at papasukin sa ating mga puso si Hesus na ating Tagapagligtas.// Ngayong panahon ng Adbiyento, kung saan hinihintay natin ang pagsilang ng sanggol, bigyan nawa natin ng halaga ang mga aral ng dakilang kapistahang ipinagdiriwang natin ngayon, ang paanyaya ng Mahal na Ina huwag magbingi-bingihan sa Mabuting Balita.  Tayo nawa ay maging isang nagagalak na tagapakinig, nang sa gayon, ang nais ng Diyos ang masunod at maghari sa ating mga buhay araw-araw. Amen.