Daughters of Saint Paul

MARSO 13, 2022 – IKALAWANG LINGGO NG KUWARESMA (K)

Purihin ang Diyos sa pagpasok natin sa Ikalawang Linggo  ng Kuwaresma. Maganda ang Balita na hatid sa atin ngayon. Bumubusilak ang ating Panginoon!  Pahayag ito ng Kaluwalhatian matapos ng pighati. Si Sr. Gemma Ria po ito, mga kapanalig, kabilang sa mga Daughters of St. Paul. Tulad ng sinabi ng Diyos Ama, pakinggan natin ang hinirang Niyang Anak. Hango ito sa Mabuting Balita ayon kay San Lukas sa ika-siyam na kabanata, talata dalawampu’t walo  hanggang tatlumput anim.

EBANGHELYO: LUCAS 9:28 36

Isinama ni Hesus sina Juan, Pedro at Jaime, at umahon sa bundok para manalangin. At habang siya’y nanalangin, nag bago ang anyo ng kanyang mukha, at puting puting nag niningning ang kanyang damit. May dalawang lalaki ring nakikipag usap sa sina Moises at Elias. Nagpakita sila sa kaluwalhatian. At pinag uusapan nila ang pag lisan ni Hesus na malapit nang maganap sa Jerusalem. Antok na Antok naman si Pedro at ang kanyang mga kasama peru pagkagising nila, nakita nila ang kanyang kaluwalhatian at ang dalawang lalaking nakatayo kasama niya. Nang papalayo na yon kay Hesus. Sinabi ni Pedro sa kanya “Guro mabuti’t narito tayo gagawa kami ng tatlong kubol, isa sa iyo , isa kay Moises at isa kay Elias. Nagsasalita pa siya ng may ulap na limimlim sa kanila at natakot sila pag pasok nila sa ulap, at narinig mula sa ulap ang salitang ito.” Ito ang aking anak ang hInirang, pakinggan ninyo siya”. Pagkasalita ng tinig, nag iisang Nakita si Hesus. Nang mga araw na yon sinarili nila ito at walang sinabi kaninuman tungkol sa nakita nila.

PAGNINILAY

Ito ang aking Anak, ang aking Hinirang. Siya ang inyong pakinggan. Ito ang tinig ng Diyos Ama. Inaanyayahan Niya si Pedro, si Juan at si Santiago. Pakinggan para saan? Pakinggan, para sa ano’ng dahilan? Sa paanyaya ng Diyos Ama, pinaaala-ala Niya sa atin ang ating ugnayan sa Kanya. Na tayo, itinuturing Niyang mga Anak. Bakit mga Anak? Sa Santatlong persona ng Diyos, Ang Ama, Anak at Banal na Espiritu, tinatawag tayo para pumasok sa Kanyang Pamilya. Ito ang Eternal Family of God. Kabilang sa walang hanggang pamilya ng Diyos. Sa simula pa lang, hindi nga ba nilikha tayo sa wangis at larawan ng Diyos? Nilikha Niya rin tayo para sa ugnayan, unang-una, ugnayan para sa Kanya. Ikalawa, dahil nga, nadungisan ang budhi natin ng pagkakasala ng una nating magulang. Si Hesus, sa pagdaloy ng Kanyang dugo sa daloy ng dugo natin, nilinis Niya tayo sa kasalanan. Mas dakila pa sa nagagawa ng dialysis. Ang naganap sa atin, hindi lang paglilinis kundi pagbabahagi ng Kanyang buhay. Naganap na ito at nasa sa ating mga choices ang pagsasabuhay. Kaya’t sa pakikinig natin ng tinig ng Diyos Anak, tulad ngayon, atas ng Diyos Ama na ipraktis natin.  Oo, may panawagan na pumasok sa eternal family of God pero kung hindi naman tayo nag-eeffort, baka hindi tayo makakabilang.