Tuklasin at isabuhay ang tunay na kahulugan ng pag-aayuno. Ano ang naging bunga nito sa iyong sarili at relasyon sa kapwa? Isang masigla at puno ng pag-asang araw ng Lunes sa ikalimang-linggo ng Kuwaresma. Dakilain natin ang Diyos na ating lakas. Ako po si Sr. Amelyne Paglinawan ng Daughters of St. Paul. Na nag-aanyayang samahan kami sa pagninilay ng Mabuting Balita.
Ebanghelyo: Juan 8: 12-20
Sinabi ni Jesus sa buong mundo “Ako ang liwanag ng mundo, magkakaroon ng liwanag nang buhay ang sumusunod sa akin, At hinding hindi lalakad sa karemlan” Sinabi kung gayon sa kanya ng mga Pariseo “Ikaw ang nagpapatotoo sa iyong sarili? Di mapanghahawakan ang patotoo mo.” Sumagot si Hesus sa kanila “Kung ako man ay nagpapatotoo sa aking sarili mapanghahawakan naman ang patotoo ko sapagkat alam ko kung saan ako galing at kung pasaan ako, pero hindi niyo alam kung saan ako galing o kung pasaan ako naghuhukom kayo ayon sa kaya ng laman, hindi ko hinuhukuman ang sino man, kung sakali man ako’y maghuhukom mapanghahawakan naman ang paghuhukom ko sapagkat hindi ako nag iisa. Kung di ako pati na ang Amang nagsugo sa akin. Nasusulat sa batas niyo na tama ang patotoo ng dalawang tao ako ay nagpapatotoo sa aking sarili at nagpapatotoo tungkol sa akin ang Amang nagsugo sa akin. Kaya sinabi nila sa kanya “Nasaan ba ang ama mo?” Sumagot si Hesus “Ni ako o ang aking ama ay hindi niyo kilala, kung kilala niyo ako, kilala niyo rin sana ang aking ama,” Binigkas ni Hesus ang pananalitang ito sa may kabang yaman ng nangaral siya sa templo at walang dumakip sa kanya sapagkat hindi pa sumapit ang oras niya
Pagninilay:
Sa aklat na 12 Rules for Life ni Dr. Jordan Peterson, isang clinical psychologist, kanyang inilahad ang labindalawang gabay para sa isang ganap at makabuluhang buhay. Inilista niya bilang Rule #8 ito: “Always tell the Truth or at least don’t lie.” Mukhang napakaliit at napakapayak na bagay pero parang napakahirap sundin ‘di ba? Sa bahay, napaka-convenient kumupit kaysa magpaalam at humingi ng budget. Sa opisina, mas pinipiling magsinungaling sa boss kung bakit late pumasok. Sa eskwela, mas madali nga namang mangopya kaysa mag-aral. Sa Pulitika, aba, mas madaling magpakalat ng fake news at mag-play victim o magbayad sa padrino, kaysa maglatag ng malinaw na plataporma. Sa Simbahan, parang mas okay ata magsinungaling sa sarili kaysa tahasang sundan ang turo ng Ebanghelyo at plano ng Diyos sa ating buhay, ‘di ba? (in serious tone) Sa gitna ng dilim ng kasinungalingan, may puwang pa ba ang liwanag ng Katotohanan? Ito ang itinuturo sa atin ng mga pagbasa ngayong araw: Ang halaga ng Katotohanan at paninindigan dito. “I am the light of the world. Whoever follows me will not walk in darkness, but will have the light of life.” ani Hesus sa ebanghelyo. Pinatototohanan ni Hesus na, sa ating mga relationships, ang pinaka-unang hakbang sa tunay at tapat na Pag-ibig ay ang pagsasabi AT pagiging totoo sa sarili at sa kapwa. Mga kapanalig, ito na tayo. Kitang-kita na natin na si Hesus ang ilaw ng mundo, ang katotohanan, na siyang gumagabay tungo sa kaganapan ng buhay. Ano pa ba ang ating dahilan para magbulag-bulagan at manatili sa dilim ng kasinungalingan? Madalas, mahirap magsabi ng at maging totoo… Pero… Pwede! Sa tahanan, sa opisina, sa eskwela, sa pulitika, sa simbahan, magnaig nawa ang Katotohanan.
Beato Giaccomo Alberione, ipanalangin mo kami.