Nakikita mo ba ang kahanga-hangang ginagawa ng Panginoon sa buhay mo araw-araw? Aleluya! Mapagpalang araw ng Martes sa Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay. Sr. Amelyne Paglinawan ng Daughters of St. Paul. Parangalan natin ang Mabuting Balita na nagpapahayag ng Pagpapakita ni Jesus na muling nabuhay!
Ebanghelyo: Juan 20: 11-18
Nanatili sa labas ng libingan si Maria na tumatangis. Habang tumatangis siya, yumukod siyang nakatanaw sa libingan. At may nakita siyang dalawang anghel na nakaputi na nakaupo, nasa may ulunan ang isa at ang ikalawa nama’y nasa may paanan ng kinalagakan ng bangkay ni Jesus. Sinabi sa kanya ng mga iyon: “Ale, bakit ka tumatangis?” “May kumuha sa Panginoon ko, at hindi ko alam kung saan siya inilagak.” Pagkasabi niya ng mga ito, tumalikod siya at nakita niya si Jesus na nakatayo. Ngunit hindi niya nakilalang si Jesus iyon. Sinabi sa kanya ni Jesus: “Ale, bakit ka tumatangis? Sinong hinahanap mo” Sa pag-aakala niyang iyon ang hardinero, sinabi niya sa kanya: “Ginoo, kung kayo ang nagdala sa kanya, sabihin n’yo sa akin kung saan n’yo siya inilagay, at kukunin ko siya.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Maria!” Pagkaharap niya ay winika niya sa kanya sa Aramaiko: “Rabbouni” (na ang ibig sabihin ay Guro). Sinabi sa kanya ni Jesus: “Huwag mo na akong pigilin sapagkat hindi pa ako nakaaakyat sa aking Ama. Puntahan mo ang mga kapatid ko at sabihin sa kanila na: ‘Paakyat ako sa Ama ko at Ama n’yo, sa Diyos ko at Diyos n’yo.’” Pumunta si Maria Magdalena, na nagbalita sa mga alagad: “Nakita ko ang Panginoon. At ito ang sinabi niya sa akin.”
Pagninilay:
Happy Easter po sa ating lahat! Si Hesus ay muling nabuhay, siya ang ating kaliwanagan! Kung usapang pag-ibig po, masarap talakayin yung “pag-momove-on.” Brother hindi naman daw talaga totoo yung time heals, sabi daw ay acceptance heals. Pag sinimulan mon ang tanggapin ang nangyari na saka ka lang daw tunay na makakapag move on. Sana all. Nang mag-ikatlong araw pagkatapos namatay ni Hesus, hapis at pighati pa rin ang nananaig sa puso ni Maria Magdalena. Wala na, tapos na ang lahat. Bagamat ang hinuha niya ay wala na–patuloy siyang dumadalaw sa libingan–maaring umaasang may susunod pang kabanata. Pero, higit sa lahat, sa kabila ng hapis at pighati sa kanyang puso, bumubukal lalo ang kanyang masidhing pag-ibig at pananabik kay Hesus. Sa muling pagkabuhay ni Hesus, minove-on na tayo ng diyos sa mga bagay na magpapahamak sa atin. Liwanag tungo sa kadiliman, Kasalanan tungo sa Dakilang pagkamahabagin ng DIyos, Kamatayan patungo sa bagong buhay na kanyang ipinanalo para sa tin. Ito ang mga pangako sa atin ng kanyang Muling Pagkabuhay. Kaya nga’t anumang taliwas at dating gawi na patuloy pa rin nating ginagawa (kadiliman, kasalanan at kamatayan) ay tanda na hindi natin lubos na tinatanggap si Hesus bilang ating Mesiyas. Kung mananatili tayo sa hapis at lumbay, hindi natin lubos na madarama ang pagpapatawad at buhay na pinanalo ni hesus para sa atin. Hari nawa tumulad tayo kay Maria Magdalena—ang kanyang masidhing pag-ibig na nagdala sa kanya, nagtawid sa kanya sa panibagong pagkakilala sa Diyos–buhay siyang lagi, kaya dapat tayong magalak! Sana po habang naglalakbay tayo sa panahong ito ng Muling Pagkabuhay, tanggapin nating lubos ang tagumpay ni Hesus. Amen.