BAGONG UMAGA
Maligayang araw ng Sabado kapatid kay Kristo. Purihi’t pasalamatan natin ang Diyos sa mga biyayang patuloy Niyang ipinagkakaloob sa atin. Ika-labindalawa ngayon ng Agosto, ginugunita natin si Santa Juana Francisca de Chantal na isang relihiyosa. Siya ang tagapagtatag ng Visitation Order na namuhay sa kababaang loob at pagiging maamo katulad ng Birheng Maria. Sila’y naglingkod sa Diyos at sa kapwa sa pamamagitan ng mga kawanggawang pangkaluluwa at pangkabanalan. Pasalamatan natin ang Diyos sa banal na ito, at sa tulong ng kanyang panalangin, hilingin nating lumago sa ating pananampalataya at pagtitiwala na walang imposible sa Diyos. Maraming beses na natin itong napatunayan sa ating buhay. At sa araw na ito, muli nating panibaguhin ang ating pag-asa na walang imposible sa Diyos. Ito po si Sr. Lina Salazar ng Daughters of St. Paul na nag-aanyayang samahan kami sa maikling pagninilay ng Mabuting Balita ayon kay San Mateo kabanata Labimpito, talata Labing-apat hanggang dalawampu.
EBANGHELYO: Mt 17:14-20
Lumapit kay Jesus ang isang lalaki, lumuhod sa harap niya at nagsabi: “Ginoo, maawa ka sa aking anak na lalaki na may epilepsi at lubhang nahihirapan. Madalas siyang mahulog sa apoy at kung minsan nama’y sa tubig. Dinala ko na siya sa mga alagad mo pero hindi nila siya napagaling.” Sumagot si Jesus: “Mga walang pananampalataya at ligaw na tao kayo! Gaano pa katagal na panahon ako mananatili sa piling n’yo? Hanggang kailan ako magtitiis sa inyo? Dalhin siya rito sa akin.” At inutusan ito ni Jesus, at umalis sa kanya ang masamang espiritu. At gumaling ang bata sa sandaling iyon. Pagkatapos ay nilapitan ng mga alagad si Jesus, at tinanong nang sarilinan: “Bakit hindi namin napalayas ang espiritu?” Sinabi ni Jesus sa kanila: “Sapagkat kakaunti ang inyong pananampalataya. Kung may pananampalataya kayong sinlaki ng buto ng mustasa, masasabi n’yo sana sa bundok na ito na gumalaw mula rito at gagalaw ito. At walang imposible para sa inyo.”
PAGNINILAY
PANALANGIN
Panginoon nawa’y sa oras ng matinding pagsubok, turuan mo po kaming mas maging matibay pa ang aming pananampalataya sa iyo, upang maging karapat dapat kaming tumawag sa iyong Dakilang pangalan. Amen.