Daughters of Saint Paul

OKTUBRE 11, 2023 – MIYERKULES SA IKA-27 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON | San Juan XXIII, papa

BAGONG UMAGA

Mapayapang araw ng Miyerkules ginigiliw kong Kapatid kay Kristo.  Kumusta po kayo?  Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at patuloy na umaasa sa habag at walang hanggang pagkalinga ng Panginoon.   Muli nating ihabilin sa Diyos ang mabubuti nating hangarin sa buong maghapon, at hilinging pangunahan tayo sa pagtupad ng ating mga tungkulin at pagdedesisyon.  Ito po ang inyong lingkod, Sr. Lina Salazar ng Daughters of St. Paul.  Maririnig natin ang turo ng Panginoong Hesus tungkol sa tamang pananalangin sa Mabuting Balita ayon kay San Lukas kabanata labing-isa, talata isa hanggang apat.

EBANGHELYO: Lk 11:1-4

Isang araw, nananalangin si Jesus sa isang lugar at pagkatapos niya’y sinabi sa kanya ng isa sa kanyang mga alagad: “Panginoon, turuan mo kaming manalangin kung paanong tinuruan ni Juan ang kanyang mga alagad.” At sinabi ni Jesus sa kanila: “Kung mananalangin kayo, sabihin niyo:          “Ama, sambahin ang ngalan mo, dumating ang Kaharian mo, bigyan mo kami araw-araw ng pagkaing kailangang-kailangan namin, patawarin mo kami sa aming mga sala; tingnan mo’t pinatatawad din namin ang lahat ng may utang sa amin, at huwag mo kaming dalhin sa tukso.”

PAGNINILAY

Isinulat ni Sr. Gemmaria dela Cruz ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  Kapatid, bakit humiling ang mga alagad na turuan silang manalangin? Ano ang secret ng ating Hesus Maestro?  Ang tugon na hanap nila? Pagmamahal at Kapanatagan ng loob. Malamang naaninag ng mga alagad ang busilak na puso ng ating Panginoon. Saksi sila sa Kanyang awakening at unconditional love. Hindi nga ba’t lahat sila may nakaraan at may pinagdaanan? Maging sino man sila, pinili pa rin sila na mapabilang sa circle of friends of our Lord Jesus. Nag-alab ang kanilang puso kung paano sila pinatawad at tinanggap, sa oras na nati-trigger ang kanilang inner wounds o nasasagi ang kanilang ego. Nauuwi sa pagtatalo o samaan ng loob, at si Hesus Maestro ang kanilang referee. Si Hesus din ang nagbigay sa kanila ng matatag na kalooban, sa oras ng pag-aalinlangan at ng mga panganib. Ito ang Langit sa lupa, dahil kay Hesus Maestro nila nakita ang “Love Personified”. Kaya naman tinuruan sila ng priceless secret: Ang Prayer of Love. Sinabi ng ating Hesus Maestro na manalangin straight from the heart, at nang may pananampalataya sa Ama. Sa Prayer of Love tayo huhugot para tumalima sa kalooban ng Ama, makapagpapatawad at hihingi ng tawad. Ang tag ng Prayer of Love is priceless. Walang effect ang Gcash, dahil walang makakabayad ng sapat sa value nito. Kung ang kantang Price Tag sinasabi na: Everybody look to their left. Everybody look to their right. But I tell you, everybody look straight to Jesus. Everybody feel the heart of the Father. “It’s not about the money, money, money. We don’t need your money, money, money. We just wanna make the world dance. Forget about the price tag.” Hindi nabibili ang pagmamahal, at ang Tahanan ng Diyos Ama, kundi pinipili at kinakandili. Kaya don’t worry about the daily supply of food for our heart, and strength for our soul, kayang-kaya itong ibigay ni Father God.