Daughters of Saint Paul

DISYEMBRE 25, 2023 – LUNES – Misa sa Araw: (ABK)  |  Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ng Panginoon

BAGONG UMAGA – MISA SA ARAW

Isang mainit na pagbati po ng Maligayang Pasko, mula sa mga madre ng Daughters of St. Paul at ng pamunuan ng himpilang ito.  Halina’t pasalamatan natin ang Poong Lumikha sa Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ng ating Tagapagligtas.  Ito po ang inyong lingkod, Sr. Lina Salazar ng Daughters of St. Paul.  Pakinggan na natin ang Mabuting Balita mula kay San Juan kabanata isa, talata isa hanggang labinwalo.

EBANGHELYO: Jn 1:1-18

Sa simula’y may Wikang-Salita na nga, at kaharap ng Diyos ang Salita, at Diyos ang Salita. Kaharap na nga siya ng Diyos sa simula. Sa pamamagitan niya nangyari ang tanang bagay, at kung wala siya, walang anumang nayari. Ang nayari ay buhay sa kanya, at liwanag ng tao ang buhay. Sa karimlan sumikat ang liwanag at hindi na ito nahadlangan ng karimalan. May taong sinugo ang Diyos—Juan ang kanyang pangalan. Dumating siya upang magpatotoo, para magpatotoo sa liwanag, upang maniwala ang lahat sa pamagitan niya. Pagkat paparating sa mundo ang Liwanag na totoo na siyang tumatanglaw sa bawat tao. Bagamat sa mundo siya at hindi siya tinanggap ng mga kanya. Pangalan, binigayang kakayahan nga sila na maging anak ng Diyos. Hindi mula sa dugo ng kanilang pagsilang, ni mula sa kagustuhan ng laman ni sa kagustuhan ng lalaki kundi mula sa Diyos. At naging laman ang Wikang-Salita at itinayo ang kanyang tolda sa atin, at nakita natin ang kanyang kaluwlkhatian, ang kaluwalhatiang mula sa Ama na bagay mula sa bugtong na Anak, kaya lipos sa ng kagandahanng-loob at katotohanan. Nagpatotoo sa kanya si Juan at isinigaw: “Siya ang aking tinukoy: nagpauna na sa akin ang dumating na kasunod ko, sapagkat bago ako’y siya na.” Mula nga sa kanyang kapuspusan nga tumanggap tayong lahat,– oo, abut-abot na kagandahang loob. Sa pamamagitan ni Moises ibinigay ang Batas, sa pamamagitan ni Jesucristo naman dumating ang kagandahang-loob at ang katotohanan. Kailanma’y wlang sinumang nakakita sa Diyos; ang Bugtong na Anak lamang ang nagpahayag sa kanya, siya ang nasa kandungan ng Ama.

PAGNINILAY

Sa wakas dumating na ang pinakahihintay nating araw ng Pagsilang ng ating Panginoon.  Kaya kahit puyat tayo sa midnight Mass, mahalagang magsimba pa rin tayo sa araw na ito bilang pasasalamat sa Panginoong Hesus na unang nagbigay ng Kanyang Sarili noong Unang Pasko.  Nagkatawang tao ang Diyos upang mamuhay kasama natin, para tubusin tayo sa kasalanan. Hindi ba isa itong dakila at napakalaking regalo mula sa Diyos? Pinawi ng Diyos ang dilim at pagkatakot na bumabalot sa ating mundo sa pamamagitan ng pagsilang ng Ilaw ng Sanlibutan, si Hesus-Emmanuel, Panginoon at Diyos na laging sumasaatin. / (Dahil sa pasko, nagkaroon ng ibayong pag-asa ang sangkatauhan.  Hindi nananaig ang kadiliman dahil dumating ang Salita ng Diyos at nagkatawang tao na siyang Liwanag ng sanlibutan.  Dahil sa pasko, alam nating tunay tayong minamahal ng Diyos.)  

PANALANGIN

O Diyos Amang Mapagmahal, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa araw na ito ng Pasko, kung saan sinasariwa namin ang kapanganakan ng Iyong kaisa-isa at pinakamamahal na Anak na si Hesus sa aming piling. Tanda ng Iyong wagas at dakilang pagmamahal sa bawat isa sa amin.  Salamat po sa pagpadala Mo sa amin ng Iyong Anak na si Hesus, ang katuparan ng Iyong pangakong Tagapagligtas.  Sa pagdiriwang po namin ngayon ng Pasko ng Pagsilang ng Iyong Anak, magdulot nawa ito sa amin ng panibagong pag-asa na kailanman, hinding-hindi mo kami iiwan at pababayaan, lalo na sa matitinding pagsubok sa buhay.  Salamat po, O Diyos Ama.  Salamat po.  Amen.