Daughters of Saint Paul

PEBRERO 28, 2024 – Miyerkules sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma | San Romano

BAGONG UMAGA

Mapayapang araw ng Miyerkules sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma.  Dakilain natin ang Panginoong Hesus na ating huwaran sa pagiging Servant-leader.  Ito pos si Sr. Lina Salazar ng Daughters of St. Paul, na nag-aanyayang samahan kami sa maikling pagninilay ng Mabuting Balita ayon kay San Mateo kabanata dalawampu, talata labimpito hanggang dalawampu’t walo.

EBANGHELYO: Mt 20:17-28

Nang Umakyat si Hesus sa Jerusalem, isinama niya ang Labindalawa, at habang nsas daan ay Sinai niya sa kanila; “Papunta na tayo sa Jerusalem. Doon ibibigay ang Anak ng Tao sa mga Punong-pari at mga guro ng Batas at maghahatol sa kanya nng kamatayan. Kaya ibibigay nila siya sa mga pagano para pagtawanan, hagupitin, at ipako sa krus. Ngunit babangon siya sa Ikatlong araw.” Lumapit noon kay Hesus ang ina nina Jaime at Juan kasama ang dalawa niyang anak, at lumuhod sa harap niya para makiusap. Tinanong siya ni Hesus: “Ano ang ibig mo?” At sumagot siya: “Narito ang dalawa kong anak. Iutos mong maupo ang isa sa iyong kanan at ang isa naman sa iyong kaliwa s aiyong Kaharian.” Sinabi ni Hesus sa magkapatid: “Hindi niyo nalalaman ang inyong hinihingi. Maiinom n’yo ba ang kalis na iinumin ko?”Sumagot sila: “Kaya naming.” Sumagot si Hesus: “Totoong iinum din kayo sa aking kalis ngunit wala sa akin ang pagpapaupo sa aking kanan o kaliwa. Para iyon sa mga hinirang ng Ama.” Nang marinig ito ng sampu, nagalit sila sa magkapatid. Kaya tinawag sila ni Hesus at sinabi: “Alam n’yo na sinusupil ng mga naghahari ang kanilang mga bansa at inaapi ang mga nasa kapangyarihan. Hindi ganito sa inyo: ang may gustong maging dakila, siya ang maging lingkod n’yo; ang may gustong mauna sa inyo, siya ang maging alipin n’yo. Gayundin naman, dumating ang Anak ng Tao hindi para paglingkuran kundi para maglingkod at ibigay ang kanyang buhay bilang pagtubos sa marami.” 

PAGNINILAY

Sa Ebanghelyo ngayon, minsan pang ibinunyag ng Panginoon sa Kanyang mga alagad kung ano ang naghihintay sa kanila sa Jerusalem:  ang Kanyang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay, para tubusin tayo sa kasalanan at walang hanggang kapahamakan.  Sa kasamaang palad, hindi naunawaan ng mga alagad ang mga pananalita ni Hesus na hitik sa kahulugan.  Abala sa paghahangad ng mataas na posisyon sina Jaime at Juan sa kahariang pulitikal na inaakala nilang itatatag ni Hesus. Nagalit naman ang iba sa kanila malamang dahil sa inggit.  Sa tagpong ito, inilarawan sa kanila ng Panginoon ang tunay na namumunong-lingkod o servant leader. Ang Anak ng Tao na naparito upang maglingkod hindi upang paglingkuran.  Mga kapatid, anumang tungkulin o paglilingkod ang ginagampanan natin sa ngayon, inaanyayahan tayo ng Panginoong tularan Siya sa pagiging servant leader. Isang pinunong hindi naghahari-harian at pinagsisilbihin, sa halip naglilingkod nang may pagmamahal at kababaang-loob at hindi naghihintay ng kapalit.