EBANGHELYO: Mk 11:1-10
Malapit na sa Jerusalem ang maraming taong sumunod kay Hesus at pag dating nila sa Bethfage at Bethania, sa may Bundok ng mga Olibo.Inutusan ni Hesus ang dalawa sa kanyang mga alagad, “Pumunta kayo sa kabilang ibayo. At may makikita kayo roon ng isang asnong nakatali na hindi pa nasasakyan ninuman. Kalagan ninyo ito at dalhin sa akin. Kung may magtanong sa inyo. Ano ang ginagawa ninyo? Sabihin ninyo kailangan ng Panginoonperu ibabalik din kaagad.”Umalis sila at nakita ang asnong nakatali sa labas ng pintuan at kinalagan nila ito at sinabi sa kanila ang ilan sa naroon “Bakit ninyo kinakalagan ang Asno? Isinagot nila ang sinabi ni Hesus at pinabayaan sila ng mga tao. Kaya Dinala nila ang asno kay Hesus. At Isinapin dito ang kanilang mga balabal at naupo rito si Hesus. Marami naman ang naglatag ng kanilang mga balabal sa daan, at may iba pang nag latag ng mga sangang pinutol nila sa bukid, sumisigaw ang mga taong nangunguna at sumusunod sa kanya “Hosanna” Mapalad ang dumarating sa Ngalan ng Panginoon. Mapalad ang dumarating sa ating kaharian ng ating ninunong si David. “Hosanna‘ luwalhati sa kaitaas an
PAGNINILAY:
Isinulat ni Fr. Oliver Par ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. (Ang napakinggan nating ebanghelyo ngayon ay ang isa sa dalawang ebanghelyong babasahin ngayong Linggo ng Palaspas.) Ang napakinggan natin ay ang pagpasok ni Hesus sa Jerusalem kung saan nag-uumapaw sa galak at pag-asa ang mga Israelita, dahil alam nilang si Hesus ang inaasahan nilang Mesiyas, na magliligtas sa kanila sa pagkakaalipin sa mga dayuhan. Pero alam nating trahedya ang mangyayari kay Hesus, sa pagpasok niya sa Jerusalem—Magpapakasakit si Hesus sa Krus. Dito’y ang parehas na mga tao na sumalubong kay Hesus sa pagpasok niya sa Jerusalem, habang iwinawagayway ang kanilang palaspas, ay ngayo’y iba na ang isinisigaw patungkol kay Hesus: “Ipako siya sa Krus!” “Crucify him!” (Ang iba marahil, kung wala sa mga sumisigaw ay nagtago sa takot, na baka pati sila’y madamay sa pagpaparusa kay Hesus.) Ano ang sinasabi sa atin dito? Na ang pagkabalimbing ng mga taong ito, o ang kanilang kawalan ng katapatan kay Hesus, ang nagdala din kay Hesus sa kamatayan. Pero ang kabalintunaan dito’y, hindi man tayo naging tapat kay Hesus, ang kanyang katapatan naman, ang siyang nagbigay daan upang mapalaya tayo sa kamandag ng kasalanan. Katapatan ang isinukli ng Diyos sa ating kawalan ng katapatan sa kanya. Ganun tayo kamahal at inuunawa ng Diyos.
PANALANGIN
Ama, patawarin mo ako sa aking hindi pagiging tapat sa iyong mga utos. Ituro mo sa akin ang katapatan ng iyong Anak na si Hesus. Amen.