EBANGHELYO: Mc 16, 1-7
Pagkatapos ng araw sa unang pahinga, Si Maria Magdalena at si Maria na Ina ni Jaime at Si Salome ay bumili ng mga pabango, upang pumunta at pahiran si Hesus at dumating sila sa libingan kinamagahan ng unang araw ng San lingo, pinag uapan nila ay Sinong magpapagulong at aalis sa malaking bato sa bukana ng libingan. Ay Sino nga? Sino? Ngunit pagtingan nilay nakita nilay naigulong na ang bato at napakalaking nga non. Kaya pumasok sila sa libingan at nakita nila ang isang binatang naka puti at naka upo sa kanan. At nagtaka sila, Ngunit sinabi niya sa kanila. Huwag kayong matakot. Diba si Hesus na taga-Nazaret na ipinako sa krus ang Hinahanap ninyo, binuhay siya at wala siya rito. Iyan ang lugar. Kung Saan Siya inilagay, ngunit humayao kayo at sabihin sa mga alagad niya at pati kay Pedro na mauuna siya sa inyo sa galilia, doon nyo siya matatagpuan gaya ng sinabi niya sa inyo” Agad silng lumabas at tumakas mula sa libingan. Inalihan sila ng takot at sindak at wala silang sinabi kaninuman. Takot na takot nga sila.
PAGNINILAY
Isinulat ni Sr. Lou Ranara ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. Makailang beses ko na ring narinig sa mga speakers sa recollection o retreat na kapag daw nanlalamig na tayo sa ating relasyon sa Diyos at maging sa ating bokasyon, kailangang bumalik tayo sa ating Galilee. Bakit sa Galilee? Anong meron doon? Sa ating Mabuting Balita ngayon, narinig natin na nagpunta ang tatlong babae sa libingan ni Hesus upang pahiran ang katawan nito ng pabango, pero laking gulat nila nang wala na roon ang katawan ni Hesus. Bagkus isang binatang nakaputi ang nakita nila na nagsabing nabuhay syang muli at mauuna na sa Galilee. Sa Galilee nya unang tinawag ang kanyang mga alagad at sa Galilee muli niya silang kakatagpuin matapos siyang mabuhay namang muli. Kapatid, ano ang ipinahihiwatig nito sa atin at sa ating pananampalataya? Sa palagay ko, kung nanghihina o lumalamig na ang ating relasyon sa Diyos o sa ating bokasyon, balikan natin yung unang tagpo at pagkakataon na naramdaman nating tinatawag tayo ng Panginoon. Alalahanin natin ang galak na dulot nito sa ating mga puso. Baka kasi sa dami na ating pinagkakaabalahan natabunan na ang galak ng masalimuot na karanasan natin sa buhay. Kahit sa mga mag-asawa, kapag nanlalamig na kayo sa isa’t-isa, balikan nyo rin yung unang sulyap nyo sa inyong napangasawa, sariwain nyo yung kilig na dulot nito sa puso nyo. Ano’ng nakita mo sa kanya na nagpatibok sa iyong puso? Nandiyan pa ba? Baka natabunan lang. Reclaim it!