BAGONG UMAGA
Mapagpalang araw ng Sabado mga kapatid/kapanalig! Ito po si Sr Rose Agtarap ng Daughters of St. Paul para sa Mabuting Balita. Atin nang pagnilayan ang Ebanghelyo ayon kay San Marcos kabanata sampu, talata labintatlo hanggang labing-anim.
Ebanghelyo:Mc 10:13-16
May nagdala kay Jesus ng mga bata para hipuin niya sila. Ngunit pinagalitan ng mga alagad ang mga taong may dala sa kanila. At pagkakita ni Jesus, nagalit siya at sinabi sa kanila: “Pabayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag n’yo silang pigilan. Sa mga tulad nga nila ang Kaharian ng Diyos. Talagang sinasabi ko sa inyo: hindi papasok sa Kaharian ng Diyos ang di tumatanggap dito gaya ng isang maliit na bata.” At pagkakalong sa kanila ni Jesus, ipinatong niya s kanila ang kanyang mga kamay para basbasan sila. Ibinahagi po ni Sr. Pinky Barrientos ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo.
Pagninilay:
‘Di ba attracted tayo at natutuwa sa mga bata, lalo na kung ang mga ito ay cute at maraming antics na talagang nakakataba ng puso. Natural na simple, mapagkumbaba at prangka magsalita ang mga bata. They are naturally truthful, they say what they see and hear. Sabi nga, kung gusto mong mag ask ng opinion about something or someone, ask a child. Sasabihin nila sa iyo ang katotohanan, no holds barred. Tayong mga adults, maraming inhibitions. Very conscious sa ating mga sinasabi o ginagawa dahil ayaw nating sumama ang loob o magalit sa atin ang ibang tao. Gusto nating magpa-impress, ang ipakita sa iba ang ating best side. Kalimitan, ito ay nagdadala ng disappointments, discouragement and negative reactions. Pero ‘di ganito ang mga bata. Children are our best teachers. Marami tayong matututuhan sa kanila lalong lalo na in regards with our relationship with God. Inaanyayahan tayo ni Hesus na tularan ang mga bata at isabuhay ang kanilang mga katangian, at lumapit sa kanya ng may pagpapakumbaba. Like a little child, we are totally dependent on God. Only God can fill the emptiness in our hearts, and without him we are nothing.