Daughters of Saint Paul

Hunyo 2, 2024 – Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon (Corpus Christi)

BAGONG UMAGA

“We are what we eat.”

Maligayang araw ng Linggo mga kapatid/mga kapanalig! Ipinagdiriwang po natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon o Corpus Christi. Ito po si Sr Rose Agtarap ng Daughters of St. Paul para sa Mabuting Balita. Pagnilayan po natin ang Ebanghelyo ayon kay San Marcos kabanata labing-apat, talata labindalawa hanggang labing-anim, at dalawampu’t dalawa hanggang dalawampu’t anim. 

Ebanghelyo: MARCOS 14:12-16, 22-26

Sa unang araw ng pesta ng tinapay na walang libadura, ng kinakatay ang tupang pang paskwa sinabi kay Hesus ng kanyang mga alagad. “Saan mo kami gusto pumunta para maghanda ng hapunan pangpaskwa para sa iyo. Kaya ipinadala niya ang dalawa sa kanyang mga alagad sa pagsasabing: pagpunta ninyo sa lungsod sasalubungin kayo ng isang lalaki may pasan ng isang bangon tubig. Sumunod kayo sa kanya at sabihin ninyo sa may aring bahay na pupuntahan niya. Ito ang sabi ng guro, nasa anong kwarto para sa akin, para pagsaluhan namin ng aking mga alagad ang hapunan pang paskwa. Itotoro niya sa inyo ang malawak na silid sa itaas, na ayos at may kagamitan, doon kayo maghanda para sa atin. Umalis na ang mga alagad at pumunta sa lungsod at nakita ang sinabi ni Hesus sa kanila at inihanda nila ang paskwa. Habang sila ay kumakain kinuha niya ang tinapay at matapos mag puri sa Diyos ipinaghatihati niya yon at ibinigay sa kanyang mga alagad habang sinasabi: “Kunin ninyo ito and aking katawan”, pagkatapos ay kinuha niya ang kalis, nagpasalamat siya at ibinigay sa kanila at uminom ang lahat at sinabi niya sa kanila “Ito ang aking dugo, ang dugo ng bagong tipan na ibinubuhos para sa marami. Sinasabi ko rin sa inyo hindi na ako iinum pa ng galing sa ubas hanggang sa araw na inumin ko ang bagong alak sa kaharian ng Diyos. At pagkaawit ng mga salmo, pumunta sila sa bundok ng mga olivo.

Pagninilay:

Isinulat ni Fr. Brian Tayag ng Society of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo. Ipinapaliwanag ng Catechism of the Catholic Church na ang Eukaristiya ang “source and summit of the Christian life.”Sabi naman ng Lumen Gentium, “The Holy Eucharist is the center and culmination of Christian life.” Ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon o Corpus Christi. Sa pagdiriwang na ito, ipinapahayag ng Simbahan ang mahalagang gampanin ng Eukaristiya bilang pagkaing espiritwal, na nagdudulot sa atin ng walang hanggang buhay. Sinabi ni Jesus sa Ebanghelyo ni San Juan, “Those who eat my flesh and drink my blood have eternal life, and I will raise them up on the last day”. Hindi lamang isang ritwal o seremonya ang Eukaristiya kundi isang pagkilala at pagsasabuhay ng pananampalataya na nagiging tunay na katawan at dugo ni Kristo ang ordinaryong tinapay at simpleng alak, matapos ang “consecration”. Nakakalungkot lang isipin at makita na araw-araw nakikibahagi tayo sa pagtanggap ng katawan at dugo ni Kristo sa komunyon, ngunit tila walang nangyayaring maganda sa ating buhay. “We are what we eat.” Ito ang hamon sa atin ng pagdiriwang na ito – ang maging presensya ni Kristo para sa ating kapwa. Nawa’y patuloy tayong lumago sa pagpapakabanal at pagmamahal nang sa gayon, masabi sa atin ng ibang tao na nasasalamin si Kristo sa ating buhay.