Daughters of Saint Paul

Agosto 6, 2024 – Martes | Kapistahan ng Pagliliwanag sa Bagong Anyo ng Panginoon (B)

Ebanghelyo: Marcos 9:2-10

Isinama ni Hesus sina Pedro, Jaime at Juan, at umakyat na sila lamang ang kasama sa isang mataas na bundok. At nagbago ang anyo ni Hesus sa harap nila at kuminang na puting-puti ang kanyang damit, na walang makapaglalabang simputi niyon sa lupa. At nagpakita sa kanila sina Elias at Moises na nakikipag-usap kay Hesus. Kaya nagsalita si Pedro at kanyang sinabi: “Panginoon, mabuti at narito tayo. Gagawa kami ng tatlong kubol: isa para sa iyo, isa para kay Moises, at isa para kay Elias.” Nasindak sila kaya hindi niya malaman kung ano ang sasabihin. At may ulap na lumilim sa kanila. At narinig mula sa ulap ang salitang ito: “Ito ang aking Anak, ang Minamahal, pakinggan ninyo siya.” At biglang-bigla, pagtingala nila, wala silang nakita liban kay Hesus na kasama nila. At pagbaba nila mula sa bundok, inutusan niya sila na huwag sabihin kaninuman ang nakita nila hanggang makabangon ang Anak ng Tao mula sa mga patay. Iningatan nila ang bagay na ito sa kanilang sarili pero nagtanungan sila kung ano ang pagbangon mula sa mga patay.

Pagninilay:

Ano ang magiging reaksyon mo kapag ang close friend mo na araw-araw mong kasama, biglang maiiba ang anyo? Breathless ba? Speechless? Surprised, o takot? Yan ang reaksyon nina Pedro nang makita nilang makinang, maningning, puting-puti ang ating Hesus Maestro. Jesus is so beautiful in white! Breathtaking ang moment. Malamang kung ngayon nangyari yan, mapapakanta si Pedro ng famous song na “So from now to my very last breath, this day I’ll cherish. You look so beautiful in white”. Oo na, pangkasal ang kanta. Pero, sino ba naman ang hindi mabibighani sa na-witness nilang “glorified body” ng kanilang friend and Master? Blazing light ang pagbabagong-anyo ng ating Hesus Maestro. Ano ang significance sa atin nang ipinasilip ang maluwalhating anyo ng ating Hesus Maestro? Na sana, matuto tayong humanga at tumalima sa marikit na Katotohanan. Ang maningning na Katotohanan ay hindi ano kundi ‘sino’. Siya si Hesuskristo na taglay ang liwanag ng Kanyang turo at ang karilagan ng kanyang pangako. Isabuhay natin ang pagkakaroon ng banal na pamimitagan sa Diyos, magsimba at magdasal. Lagi nating sambitin: “Let the light of your face shine on us, O Lord”. Sa Liwanag ng ating Panginoon, mapagyayaman natin ang handog Niyang karunungan at pawang sa ikabubuti ng lahat ang bunga ng ating mga decisionsSure ito. Makakamit din natin ang purified at glorified spirit sa tamang panahon.