Ebanghelyo: Lucas 8, 1-3
Naglibot si Jesus sa bawat lunsod at bayan na nangangaral at ibinabalita ang Kaharian ng Diyos. Kasama niya ang Labindalawa at ilang mga babae na pinagaling sa masasamang espiritu at mga karamdaman: si Maria na tinaguriang Magdalena, na nilisan ng pitong demonyo, si Juana na asawa ni Kusa na katiwala ni Herodes, at si Susana at iba pang naglilingkod sa kanila mula sa kanilang kaya.
Pagninilay:
Na-remember ko sa initial stage pa lang ng aking calling to follow Jesus, ang message na dumating sa akin ay “We are in need of priests”. Ang sabi ko, paano akong magpapari, “I am a girl”? “Ah, magmamadre ako.” Tumugon ako sa panawagan na mag-alay ng buhay dahil noon pa man, matatag ang loob ko na bilang isang young lady, I have something to share sa aking kapwa. Malamang, ganito ang pakiramdam nina Maria Magdalena, Juana at ni Susana. Pinahalagahan ng ating Hesus Maestro ang kanilang pagiging babae. Sila rin ang mga babaeng matatag ang loob na magbagong-buhay. Sa kabila ng kanilang kahinaan at madilim na nakaraan, tanggap sila ni Hesus maging sinuman sila. Yaman para kay Hesus Maestro ang kanilang service and financial support para sa misyon na magpalaganap ng Mabuting Balita. Kay Hesus Maestro nila natagpuan ang kahulugan ng buhay. Bilang isang Daughter of St. Paul, naunawaan ko ang special role ng isang babae para sa ating Simbahan, sa Lipunan, sa lahat ng aking kapwa, ganundin sa aking sariling kamag-anak. Napanghawakan ko na rin ang Liwanag na tinanggap ng aming Founder na si Blessed James Alberione. Ito ang unique contribution ng mga consecrated women para sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita sa malawak at mapaghamong mundo ng Komunikasyon. Tinawag kami para isabuhay ang malalim na kahulugan ng pagiging “Hesus”, at maipalaganap Siya sa pangkasalukuyang henerasyon. Sa mga parents, lalo na ang mga mothers, naniniwala ako na naghahangad kayo na mag-alay ng ginto para sa Diyos. Malamang ang inyong treasured young ladies, sila ang tugon. Sa mga young ladies naman, sana ikonsider n’yo ang nadidinig nyo’ng calling para maging tagapagpalaganap ng Mabuting Balita. Baka si Hesus na ang hanap mong perfect One.