Daughters of Saint Paul

Setyembre 30, 2024 – Lunes | Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan

Ebanghelyo:  Lucas 9, 46-50

Nangyari na ikinabahala ng mga alagad kung sino nga kaya sa kanila ang pinakadakila. Alam ni Hesus ang pinagtatalunan nila sa kanilang isipan kaya kumuha siya ng isang bata at pinatayo sa tabi nila. At sinabi niya sa kanila: “Tumatanggap sa akin ang tumatanggap sa batang ito sa ngalan ko, at tumatanggap sa nagsugo sa akin ang tumatanggap sa akin. At isa pa: ang matagpuang pinakamaliit sa inyong lahat ang siyang dakila.” At nagsalita si Juan: “Guro, may nakita kaming nagpapalayas ng demonyo sa ngalan mo. Pero pinagbawalan namin siya dahil hindi siya sumusunod na kasama namin.” Ngunit sinabi ni Hesus sa kanya: “Huwag ninyo siyang pagbawalan dahil panig sa inyo ang hindi laban sa inyo.”

Pagninilay:

Minsan, nagpunta ako sa isang barangay sa Quezon City. Nagpatulong ako sa sister ko na Chief Administrative Officer sa Barangay and Community Relations DepartmentTwenty kids lang na nakatira sa squatters area ang focus ng project ko. Nag-special mission ako sa kanila ng “God’s Little Artist”. May dala akong backpack for kids, laman ang coloring books on the Blessed Mother, crayons, rosaries and guide on how to pray the rosary. Doon ko natagpuan na marami sa kanila ang mahusay mag-color. Very fine ang strokes at marunong mag-match ng mga kulay. Pagkatapos noon, tinuruan ko silang ng action songs at magdasal ng rosary. Nang matuto sila, tinanong ko ang kanilang mga pangarap. Ito na rin ang wish nila kay God sa pag-pray ng holy rosary. May nagwish na sana maging pulis siya, para wala nang away at patayan sa kanilang lugar. Ang isa naman, dream niyang maging duktor, para libre daw sa ospital kapag nagkasakit ang magulang niya, ate niya at kapitbahay. Meron din na pangarap maging bumbero para raw siya ang papatay ng sunog sa mga tabi-tabi nilang tirahan. Nang nag-closing prayer na kami, lumapit sa akin si Baste, nagpakandong sa akin at nag-embrace. Alam nyo ang sabi nya? “Sister sana po, wala nang mahirap.” Napaluha ako. Yon din kaya ang isa sa mga ibinulong ng mga bata kay Hesus Maestro? Alam ko na noon din, si Hesus ang lumingap sa kanila, hindi ako. Ikaw, kapanalig/kapatid, kailan mo huling hinayaang maging ‘Hesus’ sa mga bata? Alam kong marami ka ring paraan kung paano tanggapin ang mga bata sa iyong mundo, sa iyong universe bukod sa gifts na coloring book, crayons at rosary.