Daughters of Saint Paul

Nobyembre 20, 2024 – Miyerkules ng Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Ebanghelyo:  LUCAS 19:11-28

Malapit na si Hesus sa Jerusalem at akala ng mga taong kasama niya’y agad na ipakikita ang Kaharian ng Diyos. Kaya sa kanilang pakikinig ay isa pang talinhaga ang inilahad sa kanila ni Hesus. Sinabi niya: “May isang maharlikang tao na pumunta sa malayong lupain para mahirang na hari at saka siya babalik. Tinawag niya ang sampu niyang katulong at binigyan sila ng tig-iisang baryang ginto at sinabi sa kanila: ‘Ipagnegosyo ninyo ito hanggang sa aking pagbalik.’ Namumuhay sa kanya ang kanyang mga kababayan, kaya nag sugo sila ng ilang kinatawan para sabihin. Ayaw naming maghari sa amin ang taong ito. Gayon pa ma’y bumalik siya pagkahirang bilang hari. Ipinatawag niya ang mga katulong na binigyan niya ng baryang ginto para malaman kung magkano ang tinubo ng bawat isa. Humarap ang una at sinabi: ‘Panginooon, tumubo pa ng sampu ang barya mong ginto.’ Sumagot siya: ‘Magaling, mabuting utusan; dahil naging matapat ka sa maliit na bagay, mapamamahala kita sa sampung lunsod. Dumating ang ikalawa at sinabi: Panginoon tumubo ng lima pa ang iyong baryang ginto, Sinabi nito sa kanya, mamahala ka sa limang lunsod. Dumating ang isa pa at sinabi: ‘Panginoon, narito ang iyong baryang ginto. Binalot ko ito sa isang panyo at itinago. Natatakot ako sa iyo dahil mapaghanap kang tao, kinukuha mo ang di mo idineposito at inaani ang di mo inihasik.’ Sinabi sa kanya ng panginoon: ‘Masamang utusan, sa sarili mong mga salita kita hahatulan. Alam mo palang mapaghanap ako, na kinukuha ko ang hindi ko idineposito at inaani ang hindi ko inihasik, bakit hindi mo idineposito sa bangko ang aking baryang ginto? At makukubra ko sana iyon pati na ang interes pagbabalik ko.’ At sinabi niya sa naroon: ‘Kunin sa kanya ang baryang ginto at ibigay sa may sampu.’ Sumagot sila Panginoon may sampung baryang ginto na siya ‘Sinasabi ko sa inyo: bibigyan ang meron pero aalisan ang wala, kahit na ang meron siya ay kukunin sa kanya. Ngunit dalhin n’yo rito ang aking mga kaaway na ayaw akong maghari sa kanila at patayin sa harap ko.’” Pagkasabi nito, umuna si Hesus sa kanila pa-Jerusalem.

Pagninilay:

Kapanalig, ano ang ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos na kailangan mong palaguin o paunlarin? Narinig natin sa Mabuting Balita ngayon ang talinhaga tungkol sa isang kilalang tao na nagbigay ng tigsasampung gintong pilak sa kanyang sampung utusan. Pinuri niya at ginantimpalaan ang utusang napalago ang kanyang gintong pilak subalit nagalit siya sa utusang natakot at itinago lamang ito. Kapanalig, bawat isa sa atin ay pinagkatiwalaan din ng Diyos ng mga kakayahan, talent, o materyal na yaman. Are we aware and do we acknowledge the gifts that God has given us? Noong bata pa ako hindi ako mahilig sumali sa mga extra curricular activites sa school dahil sobra akong mahiyain at kulang din ng tiwala sa sarili. Personal na libangan lang sa akin ang pagkanta at paggitara. Pero nang matanto ko na hindi lamang pala para sa akin ang talentong ito, sumali ako sa choir ng aming paaralan noon. Ngayong madre na ako, sumali ako sa Paulines Choir at naggigitara rin ako sa Misa upang magbigay puri sa Diyos.

Kapanalig, kung ikaw yung utusang takot mag-invest at mag-try dahil mahina ang loob at mababa ang self-esteem, hindi pa huli ang lahat. Go out from your comfort zone. Umpisahan mong gamitin at palaguin ang ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos at magugulat ka sa pagbabagong magaganap sa buhay mo. Marami rin akong negative comments na narinig nang nag-uumpisa pa lamang akong maggitara sa Banal na Misa. By constantly offering my talents for the Lord and my community, everything became better. Try mo rin.