Daughters of Saint Paul

Disyembre 9, 2024 –Lunes Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria

Ebanghelyo: LUCAS 1,26-38

Nang ikaanim na buwan, ang Anghel na si Gabriel ay inutusan ng Diyos sa isang lunsod ng Galilea na tinatawag na Nazaret. Sa isang birhen naidulog na sa isang lalaki sa lahi ni David na ang pangalan ay Jose at ang pangalan ng birhen ay Maria, pag pasok niya sa kinaroroonan ng babae ay sinabi niya. “Aba, puspos ka ng biyaya, Ang Panginoon ay sumasaiyo.” Sa mga pangungusap na ito si Maria ay nagitla. At pinag dili dili ang kahulugan ng gayong bati. Dapatwa’t sinabi sa kanyan ng Anghel: “Huwag kang matakot Maria, sapagkat nagging kalugod lugod ka sa mata ng Diyos. Tingni maglilihi ka at manganganak ng isang lalaki na tatawagin mong Hesus. Siya ay magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang luklukan ni David na kanyang Ama. At maghahari siya sa sambahayan ni Jacob magpakailaman; At walang katapusan ang kanyang kaharian.” Winika ni Maria sa anghel “Paanong mangyayari ito gayong wala akong nakilalang lalaki?” “Bababa sa iyo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan kaya ang ipapanganak ay magiging banal at tatawaging Anak ng Diyos. At tandaan mo ang kamag anak mong si Isabel ay nag lihi ng isang lalaki, sa kanyang katandaan at yaong tinatawag na baog ay nasa ikaanim na buwan na niya, sapagkat sa Diyos ay walang bagay na di mangyayari. “Narito ang lingkod ng Panginoon, maganap nawa sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng Anghel.

Pagninilay:

Ipinagdiriwang ngayon ng Simbahang Katoliko ang Kalinis-linisang Paglilihi kay Maria o Immaculate Conception. Ang Immaculada Concepcion ang patrona ng ating bansa. Narinig natin sa Mabuting Balita ngayon ang pagbati ng Anghel Gabriel sa ating Inang Maria. Hindi madaling sumagot ng Oo sa isang bagay na hindi malinaw at di kapani-paniwala. Pero dahil ang puso at kaluluwa ni Maria ay bukas sa mga biyaya ng Diyos, buong kababaang-loob niyang tinanggap ang sinabi ng anghel sa kanya.

Marami tayong matutuhan sa example na ito ni Mary. Ang ating buhay sa araw-araw ay laging isang pag-anyaya to say yes to God’s will sa maliit man o malaking bagay. Sumasagot tayo ng Oo sa paanyaya ng Diyos when we try to make peace with someone who has hurt us. Sumasagot tayo ng Oo when we go beyond our personal preferences for the good of others, when we go out of our way para makatulong sa iba. Sumasagot tayo ng Oo sa Diyos kapag tinatanggap natin nang walang reklamo ang maliliit na sakripisyo na ginagawa natin. Saying yes is to go beyond our personal preferences dahil gusto nating gawin ang kalooban ng Diyos. Katulad ng ginawa ni Mary.