Daughters of Saint Paul

Pebrero 15, 2025 – Sabado, Ika-5 Linggo ng Karaniwang Panahon

Ebanghelyo:  MARCOS 8:1-10

Maraming tao ang sumama kay Hesus at wala silang makain. Kaya tinawag ni Hesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila: “Labis akong naaawa sa mga taong ito, pangatlong araw ko na silang kasama at wala nang makain at kung paalisin ko silang gutom, baka mahilo sila sa daan. Galing pa sa malayo ang ilan sa kanila.” Sumagot ang kanyang mga alagad: “At paano naman makakakuha ng tinapay at para sa pakainin sila sa ilang na ito?” Tinanong sila ni Hesus: “Ilan bang tinapay meron kayo?” Sumagot sila: “Pito.” Pinaupo ni Hesus sa lupa ang mga tao, kinuha ang pitong tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pinagpira-piraso niya ang mga ito at ibinigay sa kanyang mga alagad para ihain; at inihain nila ang mga ito sa mga tao. Meron din silang ilang isda. Binasbasan ito ni Hesus at iniutos na ihain din ang mga ito. Kumain sila nabusog at tinipon ang mga natirang pira-piraso-pitong bayong. Apat na libo ang naroon, at saka sila pinauwi ni Hesus. Agad siyang sumakay sa bangka kasama ang kanyang mga alagad upang pumunta sa lupain ng Dalmanuta.

Pagninilay: Isinulat po ni Sr. Lourdes Ranara ng Daughters of St. Paul ang pagninilay. Isa sa mga hinahangaan kong katangian ng isang tao ang pagiging sensitive sa pangangailangan ng iba. ‘Yun bang bago ka pa magsalita, inaabot na niya ang kailangan mo. Ganyan kasi si Jesus, di ba? Narinig natin sa Mabuting Balita ngayon na nahabag siya sa mga taong tatlong araw nang sumusunod at nakikinig sa kanya. Nag-aalala siyang baka kung mapaano sila sa daan kung pauuwiin niya nang gutom. At dahil sa kanyang malasakit sa kanila ay naganap ang isang himala – ang pagpaparami ng tinapay mula sa pitong tinapay ng mga alagad. Kapanalig/, ganito pa rin si Jesus hanggang ngayon. Ramdam niya ang ating mga pangangailangan. Alam niya ang ating pagkagutom at pagkauhaw. Hindi lingid sa kanya ang hangarin ng ating mga puso. Lumapit tayo sa Kanya at hayaan siyang punan ang ating pagkagutom at pagkauhaw. Kung minsan kasi kung saan-saan natin hinahanap ang makakapuno sa ating pagkagutom at pagkauhaw. Kapanalig, subukan mong lumapit kay Jesus.Additional:Ang iba, hinahanap sa kayamanan, kasikatan at kapangyarihan ang kaganapan ng buhay. Subalit habang nakakamtan ito ay lalo lamang nagugutom at nauuhaw sa kayamanan at kasikatan. Kapanalig/, maniwala kang tanging si Jesus lamang ang makakapuno sa maraming pagkagutom at pagkauhaw natin. Hingin natin ang panalangin ni San Claudio de la Colombiere, na tumulong magpalaganap ng debosyon sa Banal na Puso ni Jesus, nang masumpungan natin kay Jesus ang tunay na.