Ebanghelyo: Mateo 5:27-32
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad “Narinig na ninyo na sinabing yon, ‘Huwag kang makiapid.’ Ngunit sinasabi ko naman sa inyo, ang sinumang tumingin nang may pagnanasa sa isang babae ay nakiapid na rin sa kanyang puso. Kaya kung ang iyong kanang mata ang nag bubuyo sayo sa kasalanan, alisin mo ito at itapon! Makabubuti pa sayo ang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa matapon ang buo mong katawan sa impiyerno. Kung ang kanang kamay mo naman ang nagbubuyo sayo sa kasalanan, putulin mo ito at itapon! Mas makabubuti sayo mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa matapon ang buo mong katawan sa impiyerno.” “Sinabi rin namang, ‘Kung may makikipagdeborsyo sa kanyang may bahay, bigyan n’yo ito ng katibayan. Ngunit sinasabi ko sayo, Kung may magpapaalis ng kanyang may bahay sa ibang dahilan, maliban sa kawalang katapatan. Pikiapid na ito at nakikiapid din ang nagpapakasal sa babaing deborsyada.”
Pagninilay:
Kung seseryosohin po natin ang mga sinabi ni Hesus sa Ebanghelyo imaginin po ninyo ang mga taong nasa langit. Kung mahilig kang manampal, ayan eh di wala kang kamay. Kung mahilig kang tumakbo sa iyong mga pananagutan at obligasyon, ayan pilay kang pupunta sa langit. Kung ika’y pala mura, ayan pipi kang aakyat sa langit, kung hindi ka maawain at wala kang puso para sa kapwa mo—wala kang puso! zombie kang pupunta sa langit.
Ano ang punto ni Hesus? Talagang talikuran natin ang kasalanan at magbago tayo. ‘Yan ho ang punto ng Diyos. At magiging posible lang iyon kung susunod tayo sa kanya. Jesus calls for our radical and immediate change from sin to fully embrace his grace.
Mga kapanalig, ‘yan po si San Antonio de Padua, tumalikod siya sa lahat—as in lahat—hindi lang sa kasalanan, kahit na sa materyal na bagay, at karangyaan upang tuluyan niyang yakapin ang buhay-paglilingkod sa Diyos. Matalino siyang pari; ang mga mahihirap na konsepto ay kaya daw niyang ipaintindi sa mga pinaka-aba, at ultimo mga isda nakikinig sa kanya. Pero ang nakakatuwang isipin, hindi po naagnas ang kanyang dila—kaya hindi ko po alam kung pipi siyang napunta sa langit—biro lang po mga kapanalig!
Sana po kahit paunti-unti, sikapin nating sundin ang panawagan ni Hesus—We say no to sin, and we say Yes to God! Amen.