Ebanghelyo: Lucas 1:26-38
Nang ikaanim na buwan, ang Anghel na si Gabriel ay inutusan ng Diyos sa isang lungsod ng Galilea na tinawag na Nazaret. Sa isang birheng naidulog na sa isang lalaki sa lahi ni David na ang pangalan ay Jose at ang pangalan ng birhen ay Maria.Pagpasok niya sa kinaroroonan ng babae. Ay sinabi nya: “Aba, puspos ng biyaya. Ang Panginoon ay sumasaiyo. Sa mga Pangungusap na ito, si Maria ay nagitla at pinag dili dili ang kahulugan ng gayong bati. Datapwa’t Sinabi sa kanya ng Anghel: “Huwag kang matakot, Maria, Sapagkat nagging kalugod lugod ka sa mata ng Diyo’s . Tingni, Mag lilihi ka at manganganak ng isang lalaki na tatawaging mong Jesus. Siya ay magiging dakila at tatawaging anak ng Kataas taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang luklukan ni David na kanyang Ama. At maghahari siya sa Samabahayan ni Jacob magpakailan man. At walang katapusan ang Kanyang kaharian. Winika ni Maria sa Anghel: “Paanong mangyayari ito gayong wala akong nakikilalang lalaki?” Bababa sayo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan kaya ang ipinanganak ay magiging banal at tatawaging Anak ng Diyos. At tandaan mo ang kamag anak mong si Isabel ay nag lihi rin ng isang lalaki sa kanyang katandaan, at yaong tinatawag na baog ay nasa ikaanim na buwan niya. Sapagkat sa Diyo’s ay walang bagay na hindi mangyayari. “Narito ang Lingkod ng Panginoon, maganap nawa sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng Anghel
Pagninilay:
Kapanalig, nakasagot ka na ba ng, “Ay naku, imposible ‘yan, hindi ko kayang gawin ‘yan”. Pero kinumbinsi ka, “Gawin mo lang.” Kaya sinubukan mo. Ginawa mo ang lahat ng iyong makakaya. At kamangha-mangha, nagtagumpay ka!
Ang dami sana nating magagawang magagandang bagay. Kaya lang nauunahan tayo ng takot at mga negative thoughts. Napa-paralyze tayo. Imposible lang ang nakikita natin. Hindi tayo nagbibigay ng chance to discover kung ano ang pwede.
Sa Mabuting Balitang ngayon, ibinalita ni Angel San Gabriel kay Maria ang kanyang misyon. Pwedeng sabihing iyon talaga ang mission impossible. Batambata pa si Maria, taga-baryo at mahirap lang, walang pinag-aralan, at mula sa isang bayang inaapi. Paano siya magiging ina ng Anak ng Kataas-taasan? Pero hindi tumigil si Maria sa imposible. Tinanong niya ang anghel kung paano ito mangyayari. Ipinaliwanag ni San Gabriel at tinapos ang kanyang salita sa isang punch line: “Walang imposible sa Diyos!”
Hindi siguro naunawaan lahat ni Maria ang sinabi niya. Pero naniwala siya. Nanalig siya. Kinilala ang sarili bilang isang simpleng lingkod, pero tinanggap niya ang kanyang misyon. At isinabuhay ito sa abot ng kanyang makakayanan. At naganap nga ang imposible. Naging tao ang Anak ng Diyos sa kanyang sinapupunan!
Kapanalig, tinuturuan tayo ni Maria kung ano ang gagawin kapag meron tayong mabigat na problema. Tanungin muna ang Diyos kung ano ang pwedeng gawin. Ano ang mga posibilidad? Manalig na malulutas ito at pasalamatan kaagad ang Diyos sa kanyang biyaya bago pa man matanggap ang mga ito. Eh paano kung maantala ang tugon ng Diyos? Hindi natin alam na maaaring bahagi iyon ng kanyang biyaya. Kasi natututo tayong mag-pasensiya at ng kababaang-loob dahil hindi naman entitled ang pulubi sa anuman, di ba? Maghintay lang tayo. Dahil sa lahat ng oras, minamahal tayo ng Diyos. Tutulungan niyang malutas ang ating problema sa pinakamahusay na paraan.
Panginoong Diyos, naniniwala kami na walang imposible sa iyo. Palalimin mo ang aming pagtitiwala at pananalig. Maria, inang birhen, ipanalangin mo kami. Amen.
- Sr. Vangie Canag, fsp l Daughters of St. Paul