Ebanghelyo: Mateo 19:16-22
Lumapit kay Jesus ang isang binata at nagtanong: “Guro, anong mabuti ang dapat kong gawin para makamit ang buhay na walang hanggan?” “Bakit tungkol sa mabuti ang tanong mo? Iisa lang ang Mabuti. Kung gusto mong pumasok sa buhay na walang hanggan, sundin mo ang mga utos.” “Anong mga utos?” “Huwag papatay, huwag makiapid, huwag magnakaw, huwag manirang-puri ng kapwa, igalang ang iyong ama at ina at mahalin ang iyong kapwa gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’” “Sinunod ko ang lahat ng ito, ano pa ang kulang ko?” “Kung gusto mo maging ganap, umuwi ka’t ipagbili ang mga ari-arian mo at ibigay ang pera sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa Langit. At saka ka bumalik para sumunod sa akin.” Pagkarinig ng binata sa pahayag na ito, umalis siyang malungkot sapagkat napakayaman niya.
Pagninilay:
Hindi sapat ang tawaging Kristiyano, kung ang pag-ibig ng Diyos ay walang puwang sa ating puso. Kung ang ating puso at isipan ay puno ng ambisyon, ng pagnanasang magkamal ng salapi, ng pagsisikap na maging sikat sa lipunang ginagalawan, Kristiyano tayo sa pangalan lamang. At hindi kailanman magkakaroon ng kapayapaan ang ating puso.
Ito ang problema ng rich young man sa Mabuting Balita na narinig natin ngayon. Marami siyang kayamanan, successful, kilalang tao siya sa lipunang kinabibilangan, tumutulong sa mga mahihirap. Pero hindi siya maligaya. Sabi nga niya sumusunod siya sa mga utos ng Diyos, tumutulong sa kapwa, pero hindi pa rin kuntento ang kanyang puso. Kapanalig, ‘di ba, minsan nakakaranas tayo ng ganitong damdamin? Ang sabi ni San Agustin, ang puso ng tao ay laging makakaranas ng kakulangan. Nothing else can fill the emptiness that it feels except the love of God. Ito’y dahil nilikha tayo para sa Diyos. Everything that we have and experience here on earth is but temporary.
Kapanalig, kahit simple ang ating buhay at walang kayamanan na maipagmamalaki, puede ring magkamal tayo ng mga bagay na makakahadlang sa pagyabong ng ating relationship sa Panginoon. Ang ating pride, self-love, desire for recognition, relationships built on self-interest – ang mga ito ay puedeng maging hadlang upang maibigay natin ng buo ang puso at isipan sa Diyos.
Additional: The most important treasure that we can possess ay hindi ang yaman na temporary at naglalaho, kundi ang pag-ibig at kapayapaan na galing sa Diyos at ang kanyang pangako na buhay na walang hanggan.
- Sr. Pinky Barrientos, fsp l Daughters of St. Paul