Daughters of Saint Paul

Mabuting Balita l Setyembre 9, 2025 – Martes, Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) | Paggunita kay San Pedro Claver, pari

Ebanghelyo: Lucas 6,12-19

Umakyat si Jesus sa bundok para manalangin at magpalipas ng magdamag sa pagdarasal sa Diyos. Nang nag-umaga na, tinawag niya ang kanyang mga alagad at pumili siya ng labindalawa sa kanila na tinawag niyang apostol: Si Simon na pinangalanan niyang Pedro, si Andres na kapatid nito: si Jaime, si Juan, si Felipe, si Bartolome, si Mateo, si Tomas, si Jaimeng anak ni Alfeo, si Simon na tinataguriang Zelota, si Judas na kamag-anak ni Jaime, at si Judas Iskariote na naging tagapagkanulo. Pagkababa kasama nila, tumigil si Jesus sa isang patag na lugar. Naroon ang maraming alagad niya, at napakarami ring tao mula sa buong Judea at Jerusalem at mula sa baybaying dako ng Tiro at Sidon, ang dumating para makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Gumaling din ang mga pinahihirapan ng masasamang espiritu. Kayat sinikap ng lahat ng tao ng mahipo siya dahil may kapangyarihang lumalabas sa kanya, na nagpapagaling sa lahat.

Pagninilay:

Napakahalaga ng panalangin at mataimtim na pakikipag-ugnayan sa Diyos lalung-lalo na kung meron tayong important decisions to make in life. We go to God in prayer and ask for wisdom and enlightenment. Ito ang ginawa ni Hesus ayon sa Mabuting Balita na narinig natin ngayon. Umakyat siya sa bundok at nanalangin ng mataimtim sa ating Ama sa langit. Kinakailangan niyang pumili ng mga alagad na makakasama niya sa pagpapahayag ng Mabuting Balita. Marahil ay pinresent niya sa Diyos Ama angpangalan ng mga alagad na kanyang pinili.‘Di ba ganito dapat ang ating relationship with the Lord? Like a son or a daughter coming to a loving Father seeking advice and wisdom para maka-decide tayo ngnaaayon sa kanyang kagustuhan? We come to God in prayer and bring to him all our concerns, we talk to him about our plans and ask for his help. Kapanalig, napakahalaga na maglaan tayo ng oras para manalangin at makipag- ugnayan sa Panginoon. Tanging siya lamang ang makapagbibigay sa atin ng lakas upang maharap natin ng buong-loob ang mga pagsubok na dumarating sa ating buhay. Siya ang bukal ng pag-asa na nagbibigay ng lakas sa panahong pinanghihinaan tayo ng loob. Katulad ng mga alagad na kanyang pinili, tayo rin ay tinawag niyang maging taga-pagpahayag ng Mabuting Balita sa ating panahon ngayon. Nawa’y manatili tayong tapat at malalim ang pag-ibig at pananampalataya sa Diyos na tumawag sa atin.

 -Sr. Pinky Barrientos, fsp l Daughters of St. Paul