Ebanghelyo: Lucas 9:57- 62
Habang naglalakad si Hesus at ang kanyang mga alagad, may nagsabi kay Hesus: “Susunod ako sayo saan ka man pumunta.” “May lungga ang mga pusang-gubat at may mga pugad naman ang mga ibon. Ang anak ng tao’y nama’y wala man lang mahiligan ng kanyang ulo.” At sinabi naman niya sa isa: “sumunod ka sa akin.” “Pauwiin mo ako para mailibing ko ang aking ama.” “Hayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang mga patay. Humayo ka naman at ipangaral ang kaharian ng Diyos.” Susunod ako sayo panginoon pero, pauwiin mo muna ako para makapagpaalam sa aking mga kasambahay.” “Hindi bagay sa kaharian ang Diyos ang humahawak ng araro at pagkatapos ay lumilingon sa likuran.”
Sa Mabuting Balita ngayon, may mga gustong sumunod kay Hesus bilang disipulo niya, kaya’t sinabi niya na hindi ito magiging madali. Tinuturuan tayo ni Santa Teresita na magkaroon ng lakas ng loob kay Kristo. Ito ang katapangan ng isang bata na natututong lumakad sa mga daan ng bagong buhay-Kristiyano, at mamuhay sa biyaya. Sabi niya, hindi raw natin dapat lingunin ang ating pagiging makasalanan nang may pagkabalisa, kundi tumingala sa Banal na Mukha ng ating Tagapagligtas na naririto upang tulungan tayo. Kailangan lang nating patuloy na tumingin sa kanya, at patuloy na magsikap, patuloy na mahalin siya at mamuhay bilang anak ng Diyos. Kadalasan, humihinto tayo sa pagsusumikap dahil nasugatan ang ating pride, ayaw nating maalala ang ating mga kabiguan at kahinaan. Kaya kailangan natin ang pagpapakumbaba ng isang bata, at pagtitiwala sa maawaing pag-ibig ng Diyos.Ipinaliwanag ito ni Santa Teresita: “Isipin ninyo ang isang maliit na bata na nakakatayo na, pero hindi pa marunong lumakad. Sa pagnanais niyang maabot ang itaas ng hagdan upang mahanap ang kanyang ina, itinaas niya ang kanyang maliit na paa para umakyat sa unang baitang. Pero hindi siya makapanhik dahil sa bawat pagsisikap ay nahuhulog ang paa niya. Tularan natin siya at maging munting bata rin: sa pagsasabuhay ng lahat ng mga virtues o kabutihan, laging iangat ang inyong maliit na paa upang umakyat sa hagdan ng kabanalan. Kaya lang, huwag mong isipin na makakapanhik ka kahit sa unang baitang! Hindi. Pero ang mabuting Diyos ay hindi humihingi ng higit sa iyo liban sa iyong mabuting hangarin. Mula sa itaas ng hagdan, tinitingnan ka Niya nang may pag-ibig, maawa Siya sa iyong walang kabuluhang mga pagsisikap, at Siya mismo ang bababa, yayakapin ka, at dadalhin ka Niya pataas.”Kaya kapanalig, ituon natin ang ating tingin sa Banal na Mukha ni Kristo. Pagmasdan natin siya nang may pagmamahal at hayaan siyang tumingin sa atin nang may pagmamahal sa panalangin, at sa Eukaristiya. Amen.