Daughters of Saint Paul

Mabuting Balita l Oktubre 7, 2025 – Martes, Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Rosario

Ebanghelyo: Lucas 10, 38-42

Pumasok si Hesus sa isang nayon at pinatuloy siya ng isang babaeng nagngangalang Marta. May kapatid siyang babae na tinatawag na Maria. Naupo ito sa may paanan ng Panginoon at nakikinig sa kanyang salita. Abalang-abala naman si Marta sa mga pagsisilbi kaya lumapit siya at sinabi: “Panginoon, hindi mo ba napapansing pinabayaan ako ng aking kapatid na babae na magsilbing mag-isa? Pakisabi mo naman sa kanya na tulungan ako.” Sumagot sa kanya ang Panginoon: “Marta, Marta, abala ka’t balisa sa maraming bagay; isa lang naman ang kailangan. Pinili nga ni Maria ang mainam na bahagi na hindi kukunin sa kanya.”

Pagninilay:

Unang dinasal ng mga Katoliko ang Santo Rosaryo bilang pasasalamat sa Diyos at kay Maria sa pagtatagumpay ng mga Katoliko sa labanan sa dagat kontra sa mga lumulusob na mga Turko noong Oktubre 7, 1571. Nasundan ang tagumpay ng mga Katoliko sa isa pang labanan sa Hungary kontra pa rin sa mga Turko noong 1716. Ngunit bago natutunan ng mga Katoliko ang pagrorosaryo na nakatulong sa pagtatagumpay sa bangis ng mga kalaban, unang nabuo ang debosyon sa Santo Rosaryo sa katauhan ni Santo Domingo na nagtatag ng Order of Preachers sa ika-13 siglo. Tinanggap niya sa isang pangitain ang rosaryo mula mismo sa mga palad ng Inang Maria. Naging malaking ambag ang ginawa ni Alan de la Roche at ng kanyang mga kasamang Dominikano sa pagpapalaganap ng rosaryo sa buong Europa.

Sa pagrorosaryo, nagbabalik-tanaw tayo sa mga mahahalagang yugto sa buhay ni Hesus at Maria kaugnay ng pagliligtas ng Diyos sa sanlibutan. Hindi nakakabagot ang pananalanging paulit-ulit kung taos sa puso ang pag-ibig natin sa Diyos. Mahalaga na tularan natin ang kababaang-loob ni Maria na ipinagkatiwala ang sarili sa kapangyarihan at pag-ibig ng Diyos. Mi

+gong pag-asa ng tao at hindi pagdarasal. Ang matandang lalaking tinuya ng sundalo ay walang iba kundi si Louie Pasteur, isang siyentipiko na nakatuklas ng pasteurization, penicillin at vaccination. Ayon sa kanya, ang kapos at pahapyaw na pag-unawa sa science ang maglalayo sa tao sa Diyos, ngunit ang ganap na pag-unawa ang maglalapit sa atin sa kanya. Panginoon, bigyan mo kami ng kababaang-loob ni Maria at ni Louie Pasteur na hindi nagmalaki sa kabila ng kanyang dakilang karunungan.

  • Fr. Paul Marquez, ssp l Society of St. Paul