Daughters of Saint Paul

Mabuting Balita l Nobyembre 22, 2025 – Sabado, Paggunita kay Santa Cecilia, dalaga at martir

Ebanghelyo: Lucas 20:27-40

Lumapit ang ilang Sadduseo na mga taong tutol sa pagkabuhay. At itinanong nila kay Hesus: “guro, isinulat ni Moises para sa amin: ‘Kung may magkakakaptid na lalaki at namatay na walang anak ang isa sa kanila, kailangang kunin ng kanyang kapatid ang kanyang asawa para magpasibol ng supling sa kanyang kapatid.’ Ngayon, may pitong magkakakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay at namatay na walang anak. Kinuha ng pangalawa ang biyuda, at pagkatapos ay ng pangatlo naman, pero hindi nagkaanak ang pito. Namatay sila at sa bandang huli’y namatay rin ang babae. Sa pagkabuhay, kanino sa pito siya maituturing na asawa? ang pito nga ang umangkin sa kanya.” Sinagot sila ni Hesus: “nag-aasawa ang mga taong nasa daigdig na ito, lalaki man o babae. Ngunit hindi na mag-aasawa ang mga ituturing na karapat-dapat sa kabilang buhay at sa pagkabuhay ng mga patay, lalaki man o babae. Hindi na nga sila mamamatay. Kapantay na sila ng mga anghel at mga anak na sila ng Diyos matapos silang ibangon. Tiyak na may pagkabuhay ng mga patay; ipinahiwatig ito kahit na Moises sa kabanata ng palumpong nang tawagin niyang Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac, at Diyos ni Jacob ang Panginoon. Hindi siya Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay, at buhay na kasama niya silang lahat.” Nagsalita ang ilang guro ng Batas: “Guro, talaga ngang tama ang iyong sinabi.” Mula noo’ y wala nang nangahas na magtanong pa sa kanya.

Pagninilay:

Ibinahagi po ni Sr. Vangie Canag ng Daughters of St. Paul, ang pagninilay. Interesting ang kwento ngayon. May mga Sadducees, ‘yung mga grupo ng mga matatalino noon, na nagtanong kay Jesus. Parang trick question! “’Pag nabuhay mag-uli sa langit, sino sa pitong asawa n’ya ang magiging husband nung babae?” At dahil sa tanong na ‘yon, nalaman natin kung ano ang buhay pagkatapos ng kamatayan.

Sabi ni Jesus, sa muling pagkabuhay, hindi na tayo mag-aasawa. Kasi, ibang level na ang buhay doon! We’ll be like angels—children of God, and we will live forever. ‘Yung concept ng marriage, para lang ‘yan dito sa mundo. Ang ginamit ni Jesus ay logic ng langit, hindi ng lupa. E kasi, ‘yung mga Sadducees, ayaw nilang maniwala kay Jesus. Masyado silang matalino at proud. Tapos, tayo bilang mga sumasampalataya, every Sunday, we say, “I believe in the resurrection of the dead and in the life of the world to come.” We believe kay Jesus nang sabihin Niyang, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sinumang nananalig sa Akin ay mabubuhay magpakailanman.” Grabe, ‘di ba? What a comforting thought! Kapag iniisip natin ang kamatayan, hindi ‘yun ang huling hantungan. Kay Jesus, tayo ay mabubuhay forever.

Marami tayong naririnig na theories ngayon, like “wala na, natatapos ang lahat ‘pag namatay,” or reincarnation. Pero kapatid, let’s listen only to Jesus. Siya lang ang may absolute truth. Hindi natin maiintindihan lahat, pero we choose to believe because He said it. So, share natin ‘tong faith na ‘to lalo na sa mga naghihirap at nagluluksa.

  • Sr. Vangie Canag, fsp l Daughters of St. Paul