Ebanghelyo: Lucas 1:26-38
Nang ikaanim na buwan, ang Anghel na si Gabriel ay inutusan ng Diyo’s sa isang bayan ng Galilea na tinawag na Nazaret. Sa isang birheng na naidulog na sa isang lalaki sa lahi ni David na ang pangalan ay Jose at ang pangalan ng Birhen ay Maria. Pagpasok niya sa kinaroroonan ng babae ay sinabi niya: “Aba! puspos ka ng biyaya ang Panginoon ay sumasaiyo.” Sa mga pangungusa na ito si Maria ay nagitla at pinag dili dili ang kahulugan ng gayong bati. Dapatwa’t sinabi sa kanya ng Anghel: “Huwag kang matakot Maria, sapagkat naging kalugod-lugod ka sa mata ng Diyos, tingni maglilihi ka at manganganak ng isang lalaki na tatawagin mong Hesus. Siya ay magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan, ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyo’s ang luklukan ni David na kanyang Ama. At maghahari siya sa sambahayan ni Jacob magpakailaman; at walang katapusan ang kanyang kaharian.” Winika ni Maria sa Anghel: “Paanong mangyayari ito gayong wala akong nakikilalang lalaki?” Bababa sayo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan kaya ang ipapanganak ay magiging banal at tatawaging Anak ng Diyo’s. At tandaan mo ang kamag anak mong si Isabel áy naglihi rin ng isang lalaki sa kanyang katandaan, at yaong tinatawag na baog ay nasa ikaanim na buwan niya. Sapagkat sa Diyo’s ay walang bagay na hindi mangyayari.” “Narito ang lingkod ng Panginoon, maganap nawa sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng Anghel.
Pagninilay:
Imagine: May isang Pintor na gumawa ng obra. Pero satagal ng panahon, kumupas ito at nawala. Pilit ginagaya at inuulit ng mga tao yung obrang ito, gamit ang sarili nilangimahinasyon at lakas, pero walang nakaka-pasa. At saisang himala, nagpakita uli ang pintor at gumawa ng kanyang pinakamagandang Obra. Natuwa ang lahat, kasi sa wakas, makikita, matutularan, at mapaparangalan nilaang napakagandang Obrang ito.
Mga Kapanalig, ito ang katotohanan ng Immaculate Conception – si Maria na pinaglihi na walang kasalanan. Siya ang pinakamagandang Obra ng Diyos na kailangan nating tularan. Ang unang mga obra, sina Adan at si Eba ay nangupas na at nawala. Pero dahil kay Maria, nakita nating muli ang kaligtasan ng Diyos. Mahalaga ang sinabi ng Anghel sa pagbati niya sa Ebanghelyo ngayon: “Matuwa ka, Maria! Sumasaiyo ang Panginoon!” o sa Ingles: “Hail, Mary, Full of Grace!” Sa puso ni Maria, walang puwang ang kadiliman o kasalanan, kasi puspos na siya ng Espiritu Santo. At pinangalagaan niya ito sa patuloy niyang pag-kapit kay Hesus ano man ang mangyari.
Kapanalig, tulad ni Maria, tayo rin ay mga obra. Pero madalas nating dinudumihan ang puso at buhay natin sa tukso at kilos ng kadiliman. Alalahanin natin na hindi tayo pababayaan ni Maria kung tapat tayong kumakapit kay Hesus, at nagsisikap na panatilihing malinis ang ating mga puso. Kaya magalak tayo at pasalamatan natin ang Diyos dahil sa halimbawa ni Maria, ang ating huwaran at ina ng kalinisan at pag-ibig.
- Fr. Migs Ramirez l National Shrine of the Sacred Heart