Ebanghelyo: Lucas 1:26-38
Nang ikaanim na buwan, ang Anghel na si Gabriel ay inutusan ng Diyo’s sa isang bayan ng Galilea na tinawag na Nazaret. Sa isang birheng na naidulog na sa isang lalaki sa lahi ni David na ang pangalan ay Jose at ang pangalan ng Birhen ay Maria. Pagpasok niya sa kinaroroonan ng babae
ay sinabi niya: “Aba! puspos ka ng biyaya ang Panginoon ay sumasaiyo.” Sa mga pangungusa na ito si Maria ay nagitla at pinag dili dili ang kahulugan ng gayong bati. Dapatwa’t sinabi sa kanya ng Anghel: “Huwag kang matakot Maria, sapagkat naging kalugod-lugod ka sa mata ng Diyos, tingni maglilihi ka at manganganak ng isang lalaki na tatawagin mong Hesus. Siya ay magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan, ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyo’s ang luklukan ni David na kanyang Ama. At maghahari siya sa sambahayan ni Jacob magpakailaman; at walang katapusan ang kanyang kaharian.” Winika ni Maria sa Anghel: “Paanong mangyayari ito gayong wala akong nakikilalang lalaki?” Bababa sayo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan kaya ang ipapanganak ay magiging banal at tatawaging Anak ng Diyo’s. At tandaan mo ang kamag anak mong si Isabel áy naglihi rin ng isang lalaki sa kanyang katandaan, at yaong tinatawag na baog ay nasa ikaanim na buwan niya. Sapagkat sa Diyo’s ay walang bagay na hindi mangyayari.” “Narito ang lingkod ng Panginoon, maganap nawa sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng Anghel
Pagninilay:
Ipinagdiriwang natin ngayon ang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Guadalupe, ang patron at protector ng mga sanggol sa sinapupunan ng ina. Itoý marahil nang magpakita sya kay Juan Diego noong 1531, taglay nya ang isang itim na sash na sa kanilang katutubong kultura ay tanda ng pagbubuntis. Nakakalungkot lang dahil maraming mga bata sa sinapupunan ng mga ina ang kinikitil bago pa sila isilang. Marahil ay dahil bunga sila ng pagkakasala, kapusukan, o ayaw panagutan ng nakabuntis, kaya isang malaking kahihiyan ang buhayin ang bata.
Kapanalig sa ating Mabuting Balita ngayon, narinig natin ang pagbabalita ng anghel tungkol sa pagbubuntis ni Maria bago pa man sila magsama ni Jose. Natakot din si Maria. Ngunit sa paliwanag ng anghel ay buong tapang nyang inako ang misyong ibinigay sa kanya ng Diyos – ang maging ina ng Tagapagligtas. Kapanalig, bawat batang nilikha ng Diyos ay may misyon kahit nasa sinapupunan pa. Kapag pina-abort sya at namatay, sino pa ang gaganap sa kanyang misyon dito sa lupa? Ikaw kapanalig, ano ang misyon mo? Nagagampanan mo ba ito?
- Sr. Lourdes Ranara, fsp l Daughters of St. Paul