Ebanghelyo: Marcos 3, 31-35
Dumating ang ina ni Hesus at ang kanyang mga kapatid; nakatayo sila sa labas at ipinatawag siya. Nakaupo si Hesus at napapaligiran ng mga tao nang may magsabi sa kanya: “Nasa labas ang iyong ina at mag kapatid; hinahanap ka nila.” “Sino ang aking ina at mga kapatid?” “narito ang aking ina at mga kapatid. Kapatid kong lalaki at kapatid na babae at ina rin and sumusunod sa kalooban ng Diyos.”
Pagninilay:
Kapanalig, saan ka mas ‘at home’—sa bahay n’yo, o sa tropa mo na gets ka talaga? Alam mo ba na may Bible story na nagre-define talaga ng ‘family,’ at connected ito sa isang Santa na bumuo ng sisterhood for women.
Sa Mabuting Balita ngayon, dumating si Mama Mary at mga kapatid ni Hesus at ipinatawag siya. Nung sinabi ‘to sa Kanya, tiningnan ni Hesus ‘yung mga tao sa paligid Niya at sinabi Niya: ‘Ang sinumang sumusunod sa kalooban ng Diyos, siya ang aking ina at mga kapatid.’
Hindi ito rejection, kundi re-definition. Para kay Hesus, family is a choice—a bond created by shared faith, mission, and doing God’s will together.
“Ngayon, kilalanin natin ang santang ipinagdiriwang natin ngayon: si Santa Angela Merici. Noong 1500s sa Italya, walang masyadong opportunity ang mga babae. Naging ulila si Angela. Pero ‘yung mission niya? Edukasyon at empowerment ng mga batang babae. Ginawa niya ba ito nang mag-isa? Hindi! She formed the Ursuline Sisters—a revolutionary idea noon! Kasi, hindi sila nakakulong sa convent. They lived in their communities, teaching, serving, being ‘mothers and sisters’ to those in need.
Di ba, pareho sila ni Hesus? Sabi ni Hesus: “My family is anyone doing God’s will.”
Sabi naman ni Santa Angela: “My family is the sisters and girls we serve, united in our mission.”
“Sa atin ngayon: ang ‘spiritual family’ mo ay pwedeng: ‘Yung barkadang kasabay mong lumalago sa faith; ‘yung small group sa church or online na nagtutulungan; ‘yung mga taong pinaglilingkuran mo (scholars, community kids). It’s the chosen family of faith.
So, challenge ko sa’yo, kapanalilg:
1. Saan ‘yung ‘will of God’ mo ngayon? Saan ka tinatawag maglingkod o magmahal? Doon mo makikilala ang ‘family’ mo.
2. Be a St. Angela in your circle. Be the one who builds community, includes others, and creates a space of sisterhood/brotherhood.
Kaya sana, maalala natin na bukod sa pamilya sa bahay, parte tayo ng isang mas malaking pamilya ng Diyos. We can choose to love and build each other up.
kapanalilg sino ‘yung isang tao or group na FEELS LIKE FAMILY IN FAITH sa’yo? Let them know!
- Sr. Rose Agtarap, fsp | Daughters of St. Paul