Jer 18:18-20 – Slm 31 – Mt 20:17-28
Mt 20:17-28
Nang Umakyat si Jesus sa Jerusalem, isinama niya ang Labindalawa, at habang nsas daan ay Sinai niya sa kanila; “Papunta na tayo sa Jerusalem. Doon ibibigay ang Anak ng Tao sa mga Punong-pari at mga guro ng Batas at maghahatol sa kanya nng kamatayan. Kaya ibibigay nila siya sa mga pagano para pagtawanan, hagupitin, at ipako sa krus. Ngunit babangon siya sa Ikatlong araw.”
Lumapit noon kay Jesus ang ina nina Jaime at Juan kasama ang dalawa niyang anak, at lumuhod sa harap niya para makiusap. Tinanong siya ni Jesus: “Ano ang ibig mo?” At sumagot siya: “Narito ang dalawa kong anak. Iutos mong maupo ang isa sa iyong kanan at ang isa naman sa iyong kaliwa s aiyong Kaharian.”
Sinabi ni Jesus sa magkapatid: “Hindi niyo nalalaman ang inyong hinihingi. Maiinom n’yo ba ang kalis na iinumin ko?”Sumagot sila: “Kaya naming.” Sumagot si Jesus: “Totoong iinum din kayo sa aking kalis ngunit wala sa akin ang pagpapaupo sa aking kanan o kaliwa. Para iyon sa mga hinirang ng Ama.”
Nang marinig ito ng sampu, nagalit sila sa magkapatid. Kaya tinawag sila ni Jesus at sinabi: “Alam n’yo na sinusupil ng mga naghahari ang kanilang mga bansa at inaapi ang mga nasa kapangyarihan. Hindi ganito sa inyo: ang may gustong maging dakila, siya ang maging lingkod n’yo; ang may gustong mauna sa inyo, siya ang maging alipin n’yo. Gayundin naman, dumating ang Anak ng Tao hindi para paglingkuran kundi para maglingkod at ibigay ang kanyang buhay bilang pagtubos sa marami.”
PAGNINILAY
Mga kapatid, malaki nga ang kaibahan ng pangako at pagtupad sa salita. Mas malimit kasi napapako ang pangakong madali nating binibitawan. Sa tanong ni Jesus kung kaya ng dalawang alagad na sumama sa Kanya hanggang sa paghihirap, agad-agad nilang sinabi na kaya nila. Pero nang dumating ang oras na tinutukoy ni Jesus, iniwan Siyang mag-isa ng Kanyang mga alagad. Maging si Pedro na nagsabing hinding-hindi niya iiwan si Jesus, mamatay man siya, puro salita lang pala at kulang sa gawa. Kaya mga kapatid, huwag tayong panghinaan ng loob kung may mga pagkakataong hindi natin matupad ang ating mga ipinangako. Hindi tayo nag-iisa sa kahinaang ito, dahil kasama natin ang mga unang alagad ng Panginoon. Pero kahit naiintindihan tayo ni Jesus kung paminsan hindi tayo nakatutupad sa ating pangako, huwag naman sana tayong masanay at manatili sa ganitong kahinaan, dahil ang relasyon naman natin sa kapwa ang maapektuhan. Kung lagi tayong papalya sa pagtupad ng ating mga pangako, mawawalan tayo ng credibilidad at hindi na magiging kapani-paniwala ang ating sasabihin.