Daughters of Saint Paul

Mabuting Balita l Mayo 19, 2026 – Martes

Ebanghelyo: Juan 17:1-11a

Tumingala si Hesus sa Langit at nagsalita: “Ama, sumapit na ang oras. Luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang makaluwalhati sa iyo ang Anak; ipinagkaloob mo nga sa kanya ang kapangyarihan sa bawat tao at gusto mong pagkalooban niya ng walang hanggang buhay ang lahat ng bigay mo sa kanya. Ito naman ang buhay na walang hanggan: ang kilanlin ka, ang tanging totoong Diyos at ang sinugo mong si Jesucristo. “Niluwalhati kita sa lupa, ginanap ko ang trabahong ipinagawa mo sa akin. At ngayon, luwalhatiin mo ako, Ama, at ibigay sa akin na katabi mo ang luwalhating akin sa tabi mo bago pa man nagkaroon ang mundo. “Ipinahayag ko ang pangalan mo sa mga taong kinuha mo sa mundo at ipinagkaloob sa akin. Iyo sila at sa akin mo sila ipinagkaloob, at tinupad nila ang iyong salita. At nakilala na nila na sa iyo galing ang lahat ng ipinagkaloob mo sa akin. Talaga, ipinagkaloob ko sa kanila ang mga salitang ipinagkaloob mo sa akin, at tinanggap nila at kinilalang tunay na sa iyo ako galing, at naniwala sila na ikaw ang nagsugo sa akin.  “Ipinagdarasal ko sila. Hindi ang mundo ang ipinagdarasal ko kundi ang mga ipinagkaloob mo sa akin dahil iyo sila. Iyo ang lahat sa akin, at akin din naman ang iyo, at naluwalhati ako sa kanila. Wala na ako sa mundo, ngunit nasa mundo pa sila habang papunta ako sa iyo. Amang Banal, ingatan mo sila sa Ngalan mo na ipinagkaloob mo sa akin, upang maging isa sila gaya natin.”

Pagninilay:

Today, Hesus allowed us to see what is in His heart and in His prayer.

In his prayer, it is not about Him. Sa kanyang panalangin, makikita natin ang ating mga sarili.
He prays for us. He prays for His disciples.

And there is something deeply moving here.

Because Hesus knows who they are. He knows their weaknesses, their doubts, their coming failures. He knows that one will betray Him, another will deny Him, and the rest will run away.

And yet… He prays for them.

Alam ng Diyos na hindi sila perpekto.

Pero sila ang pinili Niya.

Hesus did not choose the worthy.

He did not choose the flawless.

He chose sinners.

Because the truth is, my dear friends, God does not call the qualified.

He qualifies those He calls.

Sometimes we hesitate to come close to God.

Pakiramdam natin, hindi tayo karapat-dapat. Not holy enough. Not good enough. Not worthy enough.

But listen to the heart of Hesus.

He does not expect perfection from us.

Because He came not for the perfect, but for sinners.

Hindi para sa magaling, kundi para sa nangangailangan.

Hindi para sa banal na banal, kundi para sa sugatan, sa pagod, sa naghahanap.

He came for you. For me.

All He asks is this:

“Come near. Remain in Me. Stay with me…”

Manatili ka lang sa Kanya.

Because our perfection… is not something we achieve.

It is Someone we receive.

And that Someone is God Himself.

So today, do not be afraid of your weakness.

Do not hide your brokenness.

Instead, bring it to Him.

Because the same Hesus who prayed for His disciples…

is the same Hesus who now gently prays for you.

  • Fr. AJ Javier, ssp l Society of St. Paul