Daughters of Saint Paul

Disyembre 6, 2017 Miyerkules sa Unang Linggo ng Adbiyento

MATEO 15:29-37

Pumunta si Jesus sa pampang ng lawa ng Galilea, at pagkaakyat sa burol ay naupo. Maraming tao ang umakyat sa kanya, dala-dala ang mga pipi, bulag, pilay, mga may kapansanan, at mga taong may iba’t ibang karamdaman. Inilagay sila ng mga tao sa paanan ni Jesus, at pinagaling niya sila. Kaya namangha ang lahat nang makita nila na nagsasalita ang mga pipi, lumakad ang mga pilay, gumaling ang mga kapansanan, at nakakita ng mga bulag; kaya pinuri nila ang Diyos ng Israel. Tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila: “Labis akong naawa sa mga taong mga ito, pangatlong araw ko na sila kasama at ayaw kung silang paalisinng gutom at baka mahilo sila sa daan.” Sinabi ng alagad sa kanya: “At saan naman tayo hahanap ng sapat na tinapay sa ilang ito para ipakain sa mga taong iyan?” Sinabi ni Jesus sa kanila: “Ilan bang tinapay meron kayo?” Sumagot sila: “ Pito at kuting maliliit na isda.” Pinaupo ni Jesus sa lupa ang mga tao, kinuha niya ang pitong tinapay at ang maliit na isda, at nagpasalamat sa Diyos. Hinati-hati niya ang mga ito at inibigay niya sa kayang mga alagad, at ibinigay rin nila sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog at inipon ang mga natirang pira-pirasong pitong punong bayong.

PAGNINILAY:

Sa Ebanghelyo ngayon, minsan pang narinig natin ang himala ng Pagpaparami ng tinapay at isda.  Naganap ito dahil sa pagbabahaginan at pagpapala na tanging sa Diyos lamang nagmumula.  Ika nga ng awiting “sa Diyos lamang mapapanatag ang aking kaluluwa, sa Kanya nagmumula, ang aking pag-asa at kaligtasan.” Tunay ngang ang espiritu ng pagbabahaginan ang siyang humuhubog at kumakatawan, sa isang simbahang buhay at bumubuhay sa bawat kaluluwang umaasam ng kaligtasan. Sa labis na pagkahabag ni Jesus sa mga taong nakapalibot sa Kanya, masasalamin natin ang tunay na diwa ng pakikiisa, panalangin at pagbabahaginan. Mga kapanalig, sa panahon natin ngayon na napakaraming tao ang nagugutom, inaanyayahan tayo ng Panginoon na makita ang kanilang paghihirap at tumulong tayo sa abot ng ating makakaya.  Tayo ang simbahan ng Diyos sa kasalukuyan na Kanyang hinahamon sa tunay na diwa ng pagbabahaginan. Sa pagbabahaginan natin, nakikilala tayo bilang tunay na abang-lingkod – may malasakit at awa, sa bawat taong nangangailangan. Hilingin natin sa Diyos ang biyayang pawiiin ang mga makasariling pag-aasam at pagnanais na nagiging hadlang sa tunay na diwa ng pagbabahaginan.  Buong pag-ibig nating dasalin, Panginoon, halika na, handa na po ako sa Iyong pagdating, ikaw po ang aking tunay na pag-asa at kaligtasan, pawiin N’yo po ang anumang makasariling pagnanais sa aking puso. Amen