MATEO 23: 13-22
Kaya kawawa kayo, mga guro ng Batas ng mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Isinara ninyo ang kaharian ng Langit sa harap ng mga tao. Hindi kayo pumasok at hindi rin ninyo pinapasok ang mga makapasok. Kawawa kayo, mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapgkunwari. Nililibot nino ang dagat at lupa para maghanap ng isang bagong pagapaniwala at pagpapaniwala niya, ginagawa ninyo siyang anak ng impiyerno, na mas masahol pa sa inyo. Kawawa kayong mga bulag na tagaakay! Sinasabi ninyong ‘Walang bias kung sa Templo nanunumpa, pero may bias kung sag into ng Templo.’ Mga bulag at baliw! Alin ba ang mas mahalaga? Ang ginto sa Templo o ang Templong nagpabanal sa gintong ito? Ang sabi ninyo’y walang bias kung sa alatar manunumpa pero may bias kung sa handog na nasa altar. Mga bulag! Alin ba ang mas mahalaga: ang handog o ang altar na nagpapabanal sa handog? Ang manumpa sa ngalan ng altar ay dito at sa lahat ng narito nanunumpa. Ang sinumang sumumpa sa Templo at sumusumpa dito at sa Diyos na naninirahan sa Templo. Ang sinumang manumpa sa ngalan ng Langit ay sa trono ng Diyos at sa nakaupo rito nanunumpa.
PAGNINILAY:
Tinutuligsa ni Jesus dito ang dalawang makapangyarihang grupo na namumuno sa Israel sa kanyang panahon: ang mga Saduseo at mga Pariseo. Gusto nilang laging pinupuri, nakakakuha ng mga pribilehiyo at pinakamagandang puwesto sa sinagoga, binabati ng mga tao sa pamilihan, at nagkakaroon ng matataas na posisyon at kapangyarihan. Ipinapalagay nilang dalubhasa sila sa Batas ni Moises kaya’t gumagawa sila ng mga utos na hindi naman nila sinusunod, pero, mahigpit na ipinatutupad sa mga tao. Tinawag sila ni Jesus na mapagkunwari at bulag na tagaakay. Sa halip na magabayan nila ang mga tao sa kabanalan, sila pa ang nagiging hadlang at “nagsasara sa Kaharian ng Langit sa harap ng mga tao.” Naliligaw nila ang pag-iisip ng mga taong nais makasunod sa tunay na kalooban ng Diyos. Paano natin maiiwasan ang ganitong panganib sa ngayon? Kailangan ang patuloy na pagbabasa at pag-aaral sa mga salita ng Diyos. Napakalaking tulong ang mass media para mapalalim ang ating tumpak at wastong pagkaunawa sa pananampalataya at higit kailanman ang pagdarasal at paghingi ng gabay sa Espiritu Santo. O, Jesus, linawin mo ang aming puso at isip para lubos na maintindihan at maisabuhay ang iyong mga banal na aral. Amen.