EBANGHELYO: JUAN 6:60-69
Nang marinig ito ng kanyang mga alagad, marami sa kanila ang nagsabi: “ Mabigat ang salitang ito. Sino ang makakapakinig dito?”
Alam ni Jesus sa kanyang sarili na nagbubulung-bulunagn tungkol ditto ang kanyang mga alagad kayat sinabi niya sa kanila: “Nakakaiskandalo ba ito sa inyo? Ano kayat mapansin n’yo ang Anak ng Tao umaakyat sa dati niyang kinaroroonan? Ang espiritu ang nagbibigay-buhay; walang bias ang laman. Ang mga salitang binigkas ko sa inyo’y espiritu kaya buhay. Ngunit may ilan sa inyo ang hindi naniniwala.” Pagkat alam ni Jesus mula sa simula kung sinu-sino ang mga magkakanulo sa kanya.
At sinabi niya: “Dahil ditto kaya ko sinabi sa inyong walang makalalapit sa akin malibang ipagkaloob ito sa kanya ng Ama.”
Kaya mula noo’y marami sa kanyang mga alagad ang tumalikod at hindi na nagpatuloy sumama sa kanya. Sinabi naman ni Jesus sa Labindalawa: “Gusto n’yo rin bang umalis?”
PAGNINILAY:
Minsan, sumama ang loob ko sa isang tao dahil hinusgahan niya agad ako. Nagkataon naman na sa aming silid kainan, may isang sisidlan ng mga bible verses na hango sa mga Sulat ni San Pablo. Pakatapos kong kumain lumapit ako roon at dumampot ng isang papel na nakarolyo. Nasusulat “Do not be conquered by evil but conquer evil with good”. Naunawaan ko na pagpapatawad ang hiling ng Diyos pero di ko pa kaya. Nang sumunod na araw, bumunot uli ako ng papel sa sisidlan at ‘yon uli ang nabunot ko. Sabi ko sa Diyos, “Ayoko nga. Masama pa ang loob ko.” Muli kong ibinalik ang papel sa sisidlan at umalis ako. Nang ikatlong araw lumapit akong muli sa sisidlan at hinalo-halo ko pa ang mga laman nito bago ako bumunot. ‘Yon uli ang nabunot ko! Sa pagkakataong iyon, sinabi ko sa Diyos, “Sige na nga patatawarin ko na s’ya pero tulungan mo akong alisin itong sama ng loob dito sa puso ko.” ‘Yon lang ang dinasal ko pero alam nyo po ba, gumaan ang pakiramdam ko. Sa ebanghelyong ating narinig, marami ang di na sumunod kay Jesus dahil di nila matanggap na kanin ang kanyang katawan at inumin ang kanyang dugo. Ikaw kapanalig, tinatalikuran mo rin ba si Jesus kapag hindi ayon sa kalooban mo ang kanyang ipinapagawa? Kapanalig, tandaan natin na ang mga pasanin natin dito sa lupa ay ating pakikiisa sa krus ni Jesus.
-Lourdes Ranara, FSP