EBANGHELYO: MATEO 18:12-14
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Ano sa palagay n’yo? Kung may sandaang tupa ang isang tao at naligaw ang isa sa mga ito, hindi ba niya iiwan sa kaburulan ang siyamnapu’t siyam para hanapin ang naliligaw? At sinasabi ko sa inyo: Kapag nakita niya ito, mas matutuwa pa siya rito kaysa siyamnapu’t siyam na hindi naligaw. Gayundin naman, ayaw ng inyong Amang nasa Langit ang mawala isa man sa maliliit na ito.”
PAGNINILAY:
Mula sa panulat ni Bro. Ronel de los Reyes ng Society of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo. Angtalinghaganaatingnapakinggan,angtugonniHesussapamumunangmgapariseosakanyangpakikisalamuhasamgamakasalanan.IpinakikitangMabutingBalitaanghalaganaibinibigayngDiyosparasamgamakasalanan.Sakatunayan,ipinadaramaniyaitosatuwinghinahanapniyaangmganawawalangtupa.InilalarawanngtagpongitoangkagustuhanngDiyosnaibaliksatipanangmganaliligawnglandas.Totoonghindimadaliangpagbabalik-loob! Pero ipinaaalalasaatinniHesusnawalanghangganangawaathabagngPanginoon.Atsabawatpagkakataonna napapariwaraangatingbuhay,patuloytayongsinusuyongDiyosnamanumbaliksakanyangpag-ibig.Patuloyniyatayongginagabayanatitinuturosaatinanglandaspabaliksakanya.Atsamulingpagbabalikngnawalangtupa,sinalubongsiyangPastol,kinargasakanyangmgabalikatatnagdiwang. Mga kapatid, walangbahagingatingbuhaynatayo’ypinabayaanngDiyos.Angmgabalikatniya,angatingsandiganatangkanyangpuso’ytunaynatahananngmgataongnapapagal,napapariwaraatpatuloynanangangailanganngAwaathabagngDiyos. Ito marahil ang hamon sa atin ng Ebanghelyo, hayaan nating masumpungan tayong muli ni Hesus. Huwag tayong mahiya at unang kumutya sa ating sarili dahil sa ating pagkamakasalanan. Labis ang habag at awa ng Diyos sa sinumang buong loob na humingi ng kapatawaran. Ang kanyang pag-ibig at biyaya, kusang dadaloy upang linisin ang ating mga kasalanan. Lahat tayo’y tupa ng kanyang kawan. Lahat tayo’y minamahal ng Diyos. Dahil ang totoo, tayo’y nilikha at nabibilang hindi kung kanino man, kundi sa Diyos lamang.
PANALANGIN:
Panginoon hilumin mo ang aking puso, turuan mo akong maging bukas sa iyong pag-ibig at awa nang sa gayon sa kabila ng aking pagkamakasalanan, Ikaw ang siyang hahango at bubuong muli ng aking pagkatao. Amen