Daughters of Saint Paul

DISYEMBRE 12, 2019 – HUWEBES SA IKA-2 LINGGO NG ADBIYENTO | Mahal na Birhen ng Guadalupe

EBANGHELYO: Lk 1:26-38

Sinabi ni Jesus sa mga tao: “Talagang sinasabi ko sa inyo, walang sinuman sa mga kilalang tao ngayon ang mas dakila pa kay Juang tagapagbinyag, pero mas dakila sa kanya ang pinakamaliit sa Kaharian na Langit. Mula sa panahon ni Juan Bautista hanggang ngayon, ang Kaharian ng Langit ay marahas na sumusulong at mga maylakas ang silang umaagaw nito. “Pagpopropesiya nga lamang ang panahon ng Mga Propeta at ng Batas hanggang kay Juan. At kung gusto n’yo itong tanggapin, si Juan ang Elias na darating. Makinig ang may tenga.”

PAGNINILAY:

Isinulat ni Bro. Ronel Soriano ng Society of St. Paul ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo.  Kapistahan ngayon ng Our Lady of Guadalupe. Narinig natin sa ebanghelyo na nakita ng Angel Gabriel si Maria na walang ginagawang extraordinaryong gawain, sa halip, gumagawa siya ng mga ordinaryong gawain tulad natin – naghuhugas ng pinggan, naglalaba ng damit, nagwawalis, nag-iigib ng tubig at iba pa. Isa siyang halimbawa na dapat nating tularan sa ating buhay. Gaya ni Maria, maaaring ang trabaho natin ngayon, isang ordinaryong paraan ng kabanalan. Napapasaya natin ang Diyos kung ginagampanan natin nang maayos ang mga tungkulin natin sa ating kapwa – sa ating pamilya, kaibigan, at sa trabaho. Hindi man tayo gumagawa o nakakagawa ng mga extraordinaryong mga gawain ngayon, mahal pa rin tayo ng Diyos.  Dahil ginagampanan natin nang maayos ang ating mga gawain nang may lubos na pagmamahal.  

PANALANGIN:

Panginoon, mabuksan nawa ang aking puso at isip para magawa ang kalooban Mo, dahil alam ko na hindi mo ako pababayaan. Amen.