EBANGHELYO: Juan 6:22-29
Napuna ng mga taong nakatayo sa kabilang ibayo ng lawa na walang bangka noon sa lugar na iyon kundi isa lang at hindi sumakay si Jesus sa bangkang ito kasama ng kanyang mga alagad. Ngunit ang ilang malaking bangkang galing Tiberias ay dumating malapit sa lugar na kinainan nila ng tinapay sa pagpapasalamat ng Panginoon. Kaya nang mapuna ng mga tao na wala roon si Jesus at ang mga alagad niya, sumakay sila sa mga bangka at pumunta sa Capernaum para hanapin si Jesus. Nang matagpuan nila siya sa kabilang ibayo ng lawa, sinabi nila sa kanya, “Guro, kailan ka pumarito?” Nagsalita sa kanila si Jesus at sinabi: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, hinahanap ninyo ako hindi dahil sa nakita ninyo sa mga tanda kundi dahil sa tinapay na kinain ninyo at kayo ay nangabusog. Magtrabaho kayo, hindi nga para sa pagkaing nasisira kundi para sa pagkaing nananatili at nagbubunga ng buhay na walang hanggan. Ito ang ibibigay ng Anak ng Tao sa inyo; siya nga ang tinatakan ng Diyos Ama.” “Ano ang matatrabaho namin para maisagawa ang mga ipinagagawa ng Diyos?” “Ito ang ipinagagawa ng Diyos: maniwala kayo sa sinugo niya.”
PAGNINILAY:
Isinulat ni Fr. Ramil Tapang ng Society of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo. Sa panaho ngayon, kumakapit ang marami sa tatlong P: Posisyon, Papuri at Pera. Masama ba ang mga ito? Hindi. But take note, hindi rin mabuti. Ang tawag dito, mga neutral. Ibig sabihin, pwede itong maging masama, at pwede ring maging mabuti. Kumporme sa gumagamit. Ikaw paano mo ito ginagamit? Posisyon. Baka ginagamit ang posisyon upang manlamang. Huwag naman. Gamitin ang posisyon para maglingkod. Papuri. Baka lumalaki na ang ulo mo at ayaw mo nang mag volunteer sa simbahan kasi hindi ka pinapalakpakan. Huwag naman. Tandaan mo alam ng Diyos ang ginagawa mong mabuti . Pera. Baka naka sentro na ang buhay mo sa kayamanan? Bawat galaw, “Magkano ang porsyento ko diyan?” Huwag kapatid! “Huwag kang mag-ipon para sa inyong sarili ng kayamanan dito sa lupa. Sa halip, mag-ipon kayo ng kayamanan sa langit. Manalangin tayo: Panginoon, pinapaalala mo sa amin ngayon na 27 Do not work for food that spoils, but for food that endures to eternal life. Tulungan mo kaming sa inyo lamang kakapit. Amen.