EBANGHELYO: Juan 15:1-8
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Ako ang totoong puno ng ubas at ang Ama ko ang magsasaka. Pinuputol niya ang bawat sangang hindi namumunga sa akin; at pinupungusan naman niya’t nililinisan ang bawat namumunga upang higit pang mamunga. “Malinis na kayo dahil sa wikang binigkas ko sa inyo. Manatili kayo sa akin, ako naman sa inyo. “Hindi makapamumunga ang sanga mula sa ganang sarili, malibang manatili ito sa puno ng ubas; gayundin naman, hindi kayo makapamumunga malibang manatili kayo sa akin. Ako ang punong ubas, kayo ang mga sanga. Kung may nananatili sa akin at ako naman sa kanya, namumunga siya ng sagana; ngunit kung hiwalay sa akin ay hindi ninyo kayang gumawa ng anuman. Kung may di nananatili sa akin, itatapon siya sa labas gaya ng sangang natuyo, na tinitipon at iginagatong sa apoy at nagliliyab. “Kung mananatili kayo sa akin at mananatili naman sa inyo ang aking mga salita, hilingin ninyo ang anumang loobin at gagawin ko para sa inyo. Sa ganito pararangalan ang aking Ama: kapag namunga kayo nang sagana at naging mga alagad ko.”
PAGNINILAY:
Mula sa panulat ni Sr. Gemmaria de la Cruz ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo. Narinig natin na mahalaga ang pruning, ang pagpuputol ng sanga. Para mamulaklak at magbunga, ang primary objective nito. Kaya naman ito ang ginawang example ni Jesus para sa espiritwal na pagputol para sa atin. Tandaan! Concerned Siya sa atin. Essential ito para magdulot ng pagpapanibago sa atin, at higit sa lahat para magbunga tayo ng matatamis, at babalik-balikan ng mga namimitas. Alam ni Jesus na masasaktan tayo dahil may isusurrender tayo, na naging bahagi na natin. Ngayong araw, commemoration ng unang beses na pagpapakita ng ating Inang si Maria sa Fatima, Portugal, kina Lucia, Francisco at Giacinta. Tumalima sila na i-offer ang kanilang sarili sa Diyos. Ano ang naging bunga? Natupad ang pangako, na-witness ng mga tao ang pagsayaw ng araw at nagbagong loob ang mga hindi naniniwala. Ganundin sa atin ngayon, naghihintay tayo ng bunga ng tagumpay para masugpo ang pandemic biological warfare. Kaya ipagpatuloy natin ang pruning na nae-experience natin. Actually, ngayon may nakikita na tayo na mga healthy fruits: ang laging nasa isip ang Diyos, ang closeness ng pamilya, ang pananagutan sa kapwa. Marami pang prutas ang lilitaw. At balang araw mag-eenjoy tayo sa hitik na bunga na galing mismo sa ating Diyos Ama. Kasama rin natin si Mother Mary, di ba?