EBANGHELYO: Lk 17:11-19
Habang papunta si Jesus sa Jerusalem, dumaan siya sa hangganan ng Samaria at Galilea. At pagpasok niya sa isang nayon, may sampung lalaking may ketong ang lumabas para salubungin siya. Tumayo ang mga ito sa malayo at tumawag nang malakas: “Jesus, Guro, maawa ka sa amin.” At sinabi naman sa kanila ni Jesus. “Umalis kayo at humarap sa mga pari.” At nangyari na gumaling sila habang naglalakad. Isa sa kanila ang agad na nagbalik nang makita niyang gumaling siya, at pasigaw niyang pinuri ang Diyos. Nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus, sa pagpapasalamat sa kanya. Isa siyang samaritano. Kaya sinabi ni Jesus: “Tumayo ka, iniligtas ka ng iyong pananampalataya.”
PAGNINILAY
Mula sa panulat ni Sr. Lou Ranara ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo. Kapatid, kailan ka ba higit na nakakaramdam ng sense of gratitude? Hindi ba kapag nararamdaman natin na hindi naman tayo karapat-dapat o kaya nama’y di natin inaasahan pero binigyan at pinahalagahan tayo? Nakakalimutan nating magpasalamat kapag sa tingin natin eh talaga naming dapat tayong bigyan, yon bang tinatawag na sense of entitlement. Sa Mabuting Balita ngayon, tanging ang Samaritano lamang ang bumalik kay Jesus upang magpasalamat sa paggaling niya sa sakit na ketong. Batid niya na naambunan lamang siya ng biyaya dahil hindi naman siya Hudyo. Magkagayon man ipinakita ni Jesus na walang hindi kayang masaklaw ang kanyang misyon. Marahil hindi naman talaga ungrateful yong mga nakalimot bumalik kay Jesus upang magpasalamat. Excited lamang silang gawin ang ipinag-uutos ng kanilang batas upang makabalik na sila sa komunidad. Kapatid, our humility and constant awareness of God’s generosity and kindness to us, despite our sinfulness, should prompt us to sense of gratitude. Kahit yong mga basic needs, na bigay ng mga magulang sa anak. Totoo obligasyon nila yon! Pero hindi ba sila nararapat ding pasalamatan sa mga sakripisyo nila? Kapag lagi tayong aware sa ating tunay na kalagayan, laging mag-uumapaw ang mga puso natin sa pasasalamat. Sinasabi nga, Gratitude is the memory of the heart. And let me add to this, it is also the constant awareness of how blessed we are, despite our nothingness and unworthiness before our Provident God. Amen.