ABRIL 10, 2022 – LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON
Isang pagbati ng pagpapala, mga kapanalig! Ako po si Sr. Amelyne Paglinawan ng Daughters of St. Paul. Ipinagdiriwang natin ngayon ang Linggo ng palaspas sa Pagpapakasakit ng Panginoon, Hudyat ng pagsisimula ng mga Mahal na Araw. Pasalamatan natin ang Diyos sa mga biyayang espiritwal na ipinagkalob NIya sa atin sa buong panahon ng Kuwaresma. Maririnig natin sa Mabuting Balita ang maluwalhating pagpasok ni Jesus sa Jerusalem. Pakinggan natin ang kabuuan nito sa Mabuting Balita ngayon.
Ebanghelyo: Lucas 19: 28-40
Nagpauna si Jesus sa kanyang mga alagad pa-Jerusalem Nang malapit na siya sa Betfage at sa Betania, sa tabi ng Bundok ng mga Olibo, sinugo niya ang dalawa sa kanyang mga alagad: Pumunta kayo sa katapat na nayon. Pagpasok n’yo roon, may makikita kayong nakataling asno na hindi pa nasasakyan ninuman. Kalagan iyon at dalhin sa akin. Kung may magtanong sa inyo kung bakiy nyo iyon kinakalagan, sabihin n’yong kailangan ito ng panginoon.” Lumakad nga ang mga pinapunta at nakita nila ang lahat ayon sa sinabi sa kanila. Nang kinalagan na nila ang sano, tinanong sila ng mga may-ari: “Bakit n’yo kinakalagan ang asno?” At Sumagot sila: “kailangan ito ng Panginoon.” Dinala nila it okay Hesus at sinapinan ito ng kanilang mga balabal, at saka pinasakay si Jesus. Sa kanyang Paglakad, inilatag naman ng mga tao sa daan ang kanilang mga balabal. Nang palusong na siya san g mga Olibo, labis na nagalak ang lahat niyang alagad at nagsimulang magpuri sa Diyos nang malakas sa pag – alaala sa lahat ng himalang kanilang nakita, at kanilang sinabi: “Pinagpala ang dumarating na Hari sa ngalan ng Panginoon. Kapayapaan sa Langit at luwalhati sa kaitaasan!” Sinabi kay Hesus ng Ilang Pariseo sa pulutong: “ Guro, pagsabihan mo ang iyong mga alagad.” At sumagot siya: “ Sinasabi ko sa inyo kung hindi sila iimik, mga bato ang siyang sisigaw
Pagninilay:
Kakaiba ang pagdiriwang natin ngayong araw. Magsisimula ito sa pagbabasbas ng mga palaspas sa labas ng simbahan. Gugunitain ang masaya at maringal na pagpasok ni Jesus sa Jerusalem. Nakasakay siya sa isang asno, isang hamak na hayop na karaniwang ginagamit panghila sa mga kagamitan. Nagputol ng mga sanga at dahon ng halaman ang madla at inilatag ang kanilang balabal para daanan ni Jesus. Mistulan siyang hari, ngunit kakaiba ang ipinakita niyang pagiging hari. Noong nangangaral pa lamang siya, mahigpit ang kanyang bilin sa kanyang mga apostol at maging sa madla na huwag ikalat ang tungkol sa ginawa niyang mga himala. Sa Capernaum gusto ng mga taga-roon na iluklok siya bilang hari ngunit kaagad siyang umalis at lumayo. Ngunit sa simula ng mga Mahal na Araw, hinayaan ni Jesus na magbunyi ang mga tao. Sabi nila: “Purihin ang hari na dumarating sa ngalan ng Panginoon! Kapayapaan sa langit! Purihin ang Diyos!” Sa loob ng simbahan gugunitain sa mga pagbasa ang propesiya ni Isaias tungkol sa lingkod ng Panginoon. Mahusay itong magsalita at nagdulot ng ginhawa sa mga nabibigatan. Ngunit may mga taong sinaktan siya, binunot ang kanyang mga balbas, dinuraan. Ngunit hindi natinag ang lingkod na ito. Nanatili siyang tapat sa Diyos. Sa ebanghelyo, ipapakita sa malagim na pagpako kay Jesus sa Calvario na siya ang mahiwagang lingkod ng Panginoon na inihula ng propesiya. Ang apoy sa puso ni Jesus nang mangaral siya sa loob ng tatlong taon ay patuloy na nagliyab nang pinili niyang magtungo sa Jerusalem at nang tanggapin niya ang pagpapasakit at pagkamatay sa krus.