Kahit may lungkot sa katahimikan ngayon humihigit pa rin ang kapayapaan sa puso ninumang may pananampalataya. Isang mapayapang araw ng Sabado mga kapanalig! Tahimik pa ang kapaligiran. Tigib ng kalungkutan sa pagpanaw ng ating Panginoong Jesus. Walang Banal na Misa sa mga Simbahan. Maririnig natin sa Ebanghelyo na hindi mapakali ang mga kababaihan sa labis na pagdadalamhati at tumatangis sa pagkamatay ni Jesus. Salubungin natin ang Mabuting Balita na nagbibigay ng bagong sigla at pag-asa sa Mabuting Balita ngayon.
Ebanghelyo | Lucas 24:1-12
Sa unang araw ng lingo maagang-maaga nagpunta sa libingan ang mga babae dala ang mga pabangong inihanda nila ng Makita nilang naigulong na nag bato sa libingan pumasok sila pero hindi nila nakita roon ang katawan ng Panginoong Hesus. At Habang nalilito sila dahil dito. Dalawang lalaking may nakasisilaw na damit ang nagpakita sa kanila. Sumubsob sa lupa ang mga babae sa takot ngunit kinausap sila ng mga ito, bakit sa piling ng ga patay ninyo hinahanap yung nabubuhay, wala siya rito, bunuhay siya alalahanin ninyo ang sinabi niya sa inyo. Nang nasa galilea pa siya “kailangang ibigay ang anak ng tao sa kamay ng mga makasalanan ipaku sa krus at mabuhay sa ikatlong araw at naalala nila ng sinabi ni Hesus. Pagbalik nila mula sa libingan ibinalita nila ito sa labing – isa at sa lahat sila sina Maria Magdalena, Juana, at Mariang ina ni Jaime at gayundin ang sinabi sa mga apostol ng iba pang mga babaeng kasama nila Pero hindi sila guniguni lamang ang lahat ng ito gayun pa man. Tumindig si pedro at tumakbo sa libingan. Yumuko siya at ang mga telang linen lamang ang nakita at umuwing nagtataka sa nangyari
Pagninilay:
Tuwing ipinagdiriwang natin ang Magdamagang Vigil ng Pasko ng Pagkabuhay ng Panginoong Hesus, nakatatawag ng pansin ang liwanag na nagmumula sa Kandilang Paskwal. Ang liwanag na ito ang liwanag ni Kristo na gumagapi sa kadiliman ng kasamaan at kasalanan. Sa pamamagitan ng liwanag na ito, hindi na tayo nagkukubli sa dilim, kundi binibigyan tayo ng Diyos ng biyaya na makita ang kaligtasang nagmumula sa Kanyang Anak. Ito rin ang biyayang tinanggap ng mga alagad noong umaga ng unang araw ng Linggo. Natagpuan nilang naigulong na ang bato na nagtatakip sa libingan ni Hesus. Iginulong na ng Diyos upang kaagad nilang malaman ang Mabuting Balita ng Pagkabuhay. Mga kapanalig, maganda ring bigyang-pansin na mga babae ang naunang nakasaksi sa Muling Pagkabuhay ni Hesus, matapos itong mahimlay ng tatlong araw sa libingan. Nangangahulugan ito na pinili ng ating Panginoong Hesus ang mga kababaihan, upang magdala ng Mabuting Balita ng Kanyang Muling Pagkabuhay sa mga alagad Niya. Muli Niyang tinaas at binigyang dangal ang papel ng mga babae sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita. Kaya sa mga kapwa ko babae, isang malaking karangalan po ang makibahagi sa misyon ng Panginoon na maging tagapagpalaganap ng Mabuting Balita… ano man ang estado natin sa buhay – madre ka man, ina ng tahanan, o single blessed habang buhay… Paano ka nagiging saksi ng Panginoong Hesukristong muling nabuhay? Nawa’y bilang babae makatugon tayo sa panawagan ng Panginoon na maging tagapagpalaganap ng Mabuting Balita sa paraan ng ating pamumuhay – isang babae na nagtataguyod ng buhay kesa kamatayan; nagsusulong ng katotohanan kesa kasinungalingan, nagsisiwalat ng kabutihan at pagpapala kesa tsismis at panghuhusga na nakakasira sa ating kapwa…at higit sa lahat taglay natin ang puso ng isang inang katulad ni Maria, mapagmahal, mapagkumbaba, mapagkalinga, at handang magpasakop sa kalooban ng Panginoon sa lahat ng panahon at pagkakataon, at tumugon: ng Yes, Lord, mangyari nawa sa akin, ang ayon sa kalooban mo. Amen.