EBANGHELYO:Juan 20:19-31
Agaw-dilim na noon sa unang araw na iyon ng sanlinggo at nakasara ang mga pinto sa kinaroroonan ng mga alagad dahil sa takot sa mga Judio, dumating si Jesus at pumagitna. At sinabi niya sa kanila: “Sumainyo ang kapayapaan!” Pagkasabi niya nito, ipinakita niya sa kanila ang mga kamay at ang tagiliran. Kaya nagalak ang mga alagad pagkakita nila sa Panginoon. At muli niyang sinabi sa kanila: “Sumainyo ang kapayapaan!” Gaya ng pagkakasugo sa akin ng Ama, gayon ko rin kayo ipinadadala.” At pagkasabi niya nito, hiningahan niya sila at sinabi: “Tanggapin ang Espiritu Santo! Patatawarin ang mga kasalanan ninuman na inyong patawarin; at pananatilihin naman sa sinuman ang inyong panatilihin.” Isa sa Labindalawa si Tomas na tinaguriang Kambal. Hindi nila siya kasama nang dumating si Jesus. Kaya sinabi sa kanya ng iba pang mga alagad: “Nakita namin ang Panginoon!” “Maliban lamang na makita ko sa kanyang mga kamay ang bakas ng mga pako at maipasok ko ang aking kamay sa tagiliran niya, hinding-hindi ako maniniwala!” Makaraan ang walong araw, muli na namang nasa loob ang kanyang mga alagad at kasama nila si Tomas. Dumating si Jesus habang nakasara ang mga pinto at pumagitna sa kanila. At sinabi niya: “Sumainyo ang kapayapaan!” Tomas: “Dalhin mo ang daliri mo rito at tingnan ang aking mga kamay. Ipasok mo ang iyong daliri sa aking tagiliran at huwag kang tumangging maniwala!” “Panginoon ko at Diyos ko—ikaw!” “Dahil ba sa nakita mo ako kaya ka naniniwala? Mapapalad ang mga hindi nakakita at naniniwala.”
PAGNINILAY:
Mula sa panulat ni Bro. Jay-Pee Pena ng Society of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo. Hanggang saan ka mananampalataya sa Diyos? Sabi nga,“Mapalad kayong ‘di nakakakita ngunit sumasampalataya” (Jn 20:29). Kapag nakakatanggap tayo ng Magandang Balita, minsan, pagdududa ang ating unang reaksyon, at sasabihin pa: “to see is to believe.” Pero, para kay Hesus: “believe and you will see.” Manampalataya ka muna! Kapag nakakakita ako ng mga tweetssa Twitter na nagpapahiwatig ng kawalan ng pag-asa, palagi kong ikinocomment, “Tiwala lang.” At sasagutin naman ako: “Hanggang kailan?” Mababaw ang pananampalataya natin sa Diyos kung ito ay may hangganan. Hindi pabaya ang Diyos! Dahil kung tayo’y nagdududa, panatag ang kalooban ng Diyos kasi totoo siya sa kanyang pangako. Kapatid, tiwala lang!