Daughters of Saint Paul

Abril 19, 2025 – Sabado | Ang Magdamagang Pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay

Ebanghelyo: Lucas 24:1-12

Sa unang Araw ng linggo, maagang maagang nagpunta sa libingan ang mga babae,

Dala ang mga pabangong inihanda nila. Nang makita nilang naigulung na ang mga bato sa libingan, pumasok sila pero hindi nila nakita roon ang katawan ng Panginoong Hesus.

At habang nalilito sila dahil dito, dalawang lalaking may nakasisilong nadamit ang nangpakita sa kanila. Sumubsob sa lupa ang mga babae sa takot. Ngunit kina-usap sila ng mga ito. Bakit sa piling ng mga patay ninyo hinahanap yong nabubuhay. Wala siya rito, binuhay siya. Alalahani ninyo ang sinabi niya sa inyo nong nasa Galileya pa siya. Kailangang ibigay ang anak ng tao sa kamay ng mga makasalanan. Ipaku sa krus at mabuhay sa ikatlong araw. At naalala nila ang sinabi na Hesus, pagbalik nila mula sa libingan, ibinalita nila ito sa labing- isa at sa lahat. Sila sina  Mariang Magdalena, Juana at Mariang ina ni Jaime. At gayun din ang sinabi sa mga apostol ng iba pang mga babae ng kasama nila. Pero hindi sila naniwala sa kanila. Kundi inakala nilang guni guni lamang ang lahat ng ito. Gayun pa man, tumindig si Pedro at tumakbo sa libingan, yumuko siya at ang mga telang linen lamang ang nakita. At umuwing nagtataka sa nangyari.

Pagninilay:

Plot twist. Kamakailan ay nauso ito sa mga kabataan na humihingi ng plot twist mula sa Panginoon para sa kanilang buhay. Yung sila pala yung nawawalang anak ng mayaman na mag-asawa o yung mayaman na pala talaga sila sa totoong buhay. Yung iba naman ay tungkol sa kanilang love life.

Ano ang pinaka-paborito mong plot twist ng isang istorya? Madalas naririnig natin ang salitang ito kapag malapit nang matapos ang isang istorya. Akala natin ‘yun na talaga ang katapusan. Yun pala, may isang bagay na malalantad at babago sa buong kahulugan at maging sa takbo ng kwento.

Nasa Ebanghelyong narinig natin ang pinakamaganda at dakilang plot twist. Walang laman ang libingan. Akala ng marami tapos na ang kwento. Maging ang mga alagad inakala nila na sa marahas at madilim na paraan magtatapos ng kwento ni Hesus. Akala nila, nagtagumpay na ang kamatayan at kasalanan. Subalit hindi pa pala tapos ang kwento, at nagsisimula pa lamang ito. Sapagkat nabuhay muli si Hesus!

At dito, ipinapakita rin sa atin ni Hesus na hindi rin sa kamatayan magtatapos ang ating kwento. Ipinapakita na mayroong muling pagkabuhay. Ang plot twist na ito ang nagbibigay sa atin ng pag-asa at hamon na mamuhay at sundan si Hesus. At Inaatasan din tayo, sa pamamagitan ng ating salita at pakikipag-kapwa, na maging tagapag-pahayag na si Kristo ay buhay.