EBANGHELYO: Jn 3:31-36
Sinabi ni Jesus kay Nicodemo: “Nakahihigit sa lahat ang pumaparito mula sa itaas. Makalupa naman ang mula sa lupa, at makalupa rin ang usap niya. Nakahihigit sa lahat ang pumaparito mula sa Langit. Pinatototohanan niya ang kanyang nakita at narinig ngunit wala ngang tumatanggap sa kanyang patotoo. Pinagtibay naman ng tumanggap sa patotoo niya na totoo mismo ang Diyos. Binibigkas nga ng sinugo ng Diyos at ng Espiritu. Mahal nga ng Ama ang Anak, at ipinagkatiwala ang tanang mga bagay sa kanya. May buhay magpakailanman ang naniniwala sa Anak. Ang hindi naman sumusunod sa Anak ay hindi makakakita sa buhay, kundi ang galit ng Diyos ang sasakanya.”
PAGNINILAY:
Mula sa panulat ni Fr. Ramil Tapang ng Society of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo. I believe in one God, the Father almighty, maker of heaven and earth, of all things visible and invisible. Padre, nalilito ako lalong lalo na kung ingles ang misa. Minsan kasi, ang ating ipinapahayag, yung maigsi, Apostles’ Creed. Minsan naman, yung mahaba — Nicene Creed. Kailan ba talaga ginagamit ang mga ito? Nakakalito! Bago natin sagutin iyan, ano nga muna ang pagkakapareho ng dalawa? Una, pareho itong pagpapahayag ng pananampalataya; at pangalawa, pagpapahayag din ito sa kasaysayan ng kaligtasang ginawa ng Diyos, mula sa simula hanggang sa kasalukuyan. Kailan ba ginagamit ang Nicene at Apostles’ Creed? Ang Nicene Creed ay ginagamit sa Karaniwang Panahon, Adbiyento, at Pasko (pabulong) at kung tutuusin pwede rin sa panahon ng kuwaresma at Easter. Ang Nicene creed ay isang pagpapahayag bilang sagot na rin sa mga taliwas na paniniwala ukol sa pagka-Diyos ng Diyos Anak, Diyos Ama at Diyos Espiritu Santo. Ang Apostles’ Creed, yung maigsi, ay hinihikayat gamitin tuwing Kuwaresma at Easter. Sabi nga sa “The Roman Church’s baptismal creed, the so-called Apostles’ Creed, may be used in place of the Nicene-Constantinopolitan Creed, especially in Lent and Eastertide”. Noong unang panahon ng simbahan, kapag sinasabing kuwaresma, panahon ito ng paghahanda para sa bibinyagan sa Easter Vigil. At kapag nabinyagan na, magkakaroon ng Mystagogyo ang pagpapalalim ng mga nangyari sa binyag. Ano ngayon ang sinasabi nito sa atin? Marami. But at the end of the day, sinasabi sa atin na sana huwag lamang ipahayag ang pananampalataya sa Salita. Higit sa lahat, makita rin sana ito sa gawa.
PANALANGIN:
Panginoon, tunay kaming naniniwala sa iyo. Aming ipinapahayag ang aming pananampalataya sa salita at sa gawa. Amen.