Daughters of Saint Paul

ABRIL 3, 2021 – SABADO SANTO

EBANGHELYO: Mk 16:1-7

Pagkatapos ng araw ng pahinga, si Maria Magdalena, at si Maria ina ni Jaime at si Salome ay bumili ng mga pabango upang pumunta at pahiran si Hesus. At dumating sila sa libingan kina umagahan ng uang araw ng isang Linggo. Pinag usap nila ay: “Sino ang magpapagulong  at mag aalis sa malaking bato sa bukana ng libingan! Ay sino nga? Sino? Ngunit pagtingin nilay nakita nilang naigulong na ang bato napakalaki nga yon. Kaya pumasok sila sa libingan at nakita nila ang isang binata nakaputi na nakaupo sa kanan. At takang taka sila, ngunit sinabi niya sa kanila “Wag kayong matakot di ba’t si Hesus ang taga Nazareth ang ipinako sa krus ang hinahanap nyo? Binuhay siya at wala sya rito. Hayan ang lugar kung saan siya inilagay, ngunit humayo kayo at sabihin sa mga alagad nya at pati kay Pedro na mauuna sya sa inyo sa Galilea, doon nyo sya matatagpuan gaya ng sinabi niya sa inyo. Agad silang lumabas at tumakas mula sa libingan. Inalihan sila ng takot at sindak at wala silang sinabi kanino man, takot na takot nga sila.

PAGNINILAY

Isinulat ni Sr. Narci Penaredonda ng Pastorelle Sisters ang pagninilay sa ebanghelyo.  Namangha ka ba na nawala si Hesus? Lungkot at sakit ang dala ng realidad na ito. Hindi pa natin kayang limutin ang pagkamatay Niya sa Krus, ngayon naman ay nawawala siya!  Nakalimutan mo ba/ na sa likod ng Krus ay tagumpay? Si Hesus ay nagtagumpay sa kamatayan; ang Kanyang buhay ay buhay na walang hanggan. Sa pagdiriwang natin ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon, ipaparanas Niya sa atin na ang kamatayan ay hindi nagiging dahilan nang pagtigil ng buhay, bagkus ito ay isang daan para tahakin ang bagong landas ng buhay. Ang Muling Pagkabuhay ng Panginoon ay isang pagtawid ng tao mula sa buhay na puno ng sakit, dilim at hirap tungo sa buhay na niliwanagan at pinatatag ng Presensiya ng Diyos at ng kanyang pangakong kasama natin Siya magpakailanman.  Inilagay ko ang aking sarili na kasama ng mga apostol na nagpunta sa Galilea. Dito ko sisimulan ang bagong paglalakbay na may kamalayang sa aking bawat hakbang si Hesus na muling nabuhay ay aking kalakbay. Kapatid, move on na/ kasi si Hesus ay muling nabuhay para sa iyo at para sa akin. Sasamahan Ka niya at ako sa pagtawid sa bawat tulay ng buhay na ating dadaanan na ang tanging hantungan ay Siya lamang.