Daughters of Saint Paul

AGOSTO 17, 2020 – LUNES SA IKA-20 LINGGO NG TAON

EBANGHELYO: Mt 19:16-22

Lumapit kay Jesus ang isang binata at nagtanong: “Guro, anong mabuti ang dapat kong gawin para makamit ang buhay na walang hanggan?” “Bakit tungkol sa mabuti ang tanong mo? Iisa lang ang Mabuti. Kung gusto mong pumasok sa buhay na walang hanggan, sundin mo ang mga utos.” “Anong mga utos?” “Huwag papamatay, huwag makiapid, huwag magnakaw, huwag manirang-puri ng kapwa, igalang ang iyong ama at ina at mahalin ang iyong kapwa gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili.” “Sinunod ko ang lahat ng ito, ano pa ang kulang ko?” “Kung gusto mo maging ganap, umuwi ka’t ipagbili ang mga ari-arian mo at ibigay ang pera sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa Langit. At saka ka bumalik para sumunod sa akin.” Pagkarinig ng binata sa pahayag na ito, umalis siyang malungkot sapagkat napakayaman niya.

PAGNINILAY:

Mula sa panulat ni Sr. Gemmaria de la Cruz ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo. Nagawa ko na po ang lahat, ano pa po ang kulang? Ang sagot ni Jesus? I-give up mo ang yaman mo. Sa mga young people tulad ng napakinggan natin, lalo na ngayong new normal, ang daming mga creativity na lumalabas sa kanilang mga desires in life. May mga masasayang tumutulong sa bahay sa pagbake ng ube pandesal, o sa simbahan para magdesign ng online pages at mga taga-administer ng facebook page. In a way, naglilingkod sila sa kapwa at sa Diyos. Ginagamit ang kanilang mga talents para sa kabutihan ng nakararami. Mga mabubuting bata at walang pagod na magpasaya ng iba. May invitation si Jesus: “Ano ang pwede pang magawa?” (Kasama n’yo ako sa desire na ito dahil loob ko rin na umusad ng another step sa pagsunod kay Kristo.) Una, ito ang “inner enoughness” na ma-realize natin na wala na tayong mahihiling pa at kaya nating pakawalan ang bagay na mahal sa atin para malaya nating mahalin si Kristo, at masaya tayong maibahagi si Kristo sa iba. Ikalawa, sa pag-share natin, hindi lang yung basta may maibigay, tapos aalis na. (Yung tutulungan mo, tapos wala namang taos na pangungumusta.)  Kundi, may pagpunit na nagaganap sa ating kalooban. May pagbabanat dahil mas mabigat ang ibinibigay natin. Ang ibinabahagi na natin ay pag-aasal na napagsikapan nating itama. Ang isinisiwalat natin ay ang bigkis ng pagiging isa na nagmula sa natutuhan nating pagmamahal sa ating sarili na ngayon handang ibigay para sa magandang ugnayan. Yun ang yaman na maaari nating ipamigay.